Kabanata 1

7 0 0
                                    

NAKARATING kami ng alas tres ng umaga sa kampo. Inalis namin ang aming mga gear at sabay na naghiyawan ang mga kasamahan ko sapagkat isa lang ang ibig sabihin nito — party.

"Cap, ano ready ka na? It's party time beybeh", gumigiling pa na sabi ni Hans. Tss.  I don't like parties but I lost so yeah.

"Tss. Yeah. I'll prepare for a bit. Where to?", tanong ko kay Hans.

"Sa Dionysus tayo Cap", sagot naman ng bagong dating na si Mero.

"Okay. See you there".

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagpunta sa parking lot upang kunin ang sasakyan ko. Hmm, I'm going home first before going there. I need to go and see my mom first.

Pagkakita sa kotse ko ng guard ay agad na binuksan ang gate at nagpark ako malapit sa fountain at ibinigay ang susi sa isang tauhan para ilagay ang kotse sa basement parking.

"My baby boy! I missed you. Mabuti naman at naisipan mo pang dalawin ang gorgeous mommy mo", pambungad sa akin ni mommy sabay halik ko sa pisngi niya nang makita ako.

"You know my work Mom. Anyway, I just came to drop my things and wash up".

"Oh, where are you going dear?"

"We have a party later with the team"

"Alright. Your dad will be pleased to see you later."

"I'll go upstairs Mom"

Dumiretso na ako sa kwarto at naligo. I just wore my pants and a v-neck shirt. Pagkababa ko ay saktong kakadating lang ni daddy.

"Hi dad"

"What's up son? Where's your mom?", tanong nito sa akin.

"She's probably in the kitchen"

"Okay. How's the mission? Heard you're gonna have a month off", nakaabot na pala sa kaniya ang balita.

"Yeah. Anyway, I have to go we have a party"

"Sure. I'll go find my sweetheart", napangisi na lang ako kay dad. They're cheesy and I can't help but admire them. It's probably hard quitting your passion for the one you love. Tinanong ko na yan kay daddy dati ngunit ang sagot niya lamang ay malalaman ko na lamang daw ito pag ako ang nagmahal sapagkat hindi daw siya nagsisi kasi nakuha niya naman si mommy. Well, it's not my story to tell.

Pakalabas ko ng mansyon ay ibinigay na sa akin ang susi ni Manong Isoy. Pumasok na ako sa aking sasakyan at dumiretso sa Dionysus. Natatanaw ko na ang bar at ang ingay na nagmumula sa loob. Pagkapark ko ng kotse ay agad akong pumasok at hinanap ang mga kasamahan ko.

"Cap dito!", rinig kong sigaw ni Hans mula sa isang gilid malapit sa counter ng mga alak.

"Tagal mo amans Cap. Akala ko naman matotokis na kami eh", hirit ni June pagkaupo ko sa upuan katabi ni Hans.

Maingay ang paligid at may kaniya-kaniyang babae ang iba sa mga kasamahan namin. Inalok ako ni Hans at Meir ngunit tinanggihan ko sapagkat wala ako sa mood para makipag-usap sa mga babaeng isa lang naman ang habol sa akin. Well, we cannot deny the fact that I'm a handsome man.

"Hans, mukhang walang lumalapit sayo ngayon. Panget mo talaga tol HAHAHAHA", pang-aasar ni June kay Hans at mukhang magtatalo na naman ang dalawang ugok na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sealed (Military Academy Duology #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon