Kabanata 1

19K 183 3
                                    

Nasa isang sikat na restaurant si Yeche habang nakaharap sa mag-asawang Chan.

"Eh. Sige na Che ninang ka na oh?" Umirap siya sa kaibigan si Dame. Malaki na ang tyan nito at kabuwanan na nito sa susunod na buwan.

"Ayoko." Sinamaan siya ng tingin ni Dame.

"Ang sama nito. Bakit ba kasi ayaw mo?" Huminga siya ng malalim bago tinitigan ang kaibigan.

"Kasi naiinggit ako eh." Nakanguso niyang sabi na ikinanganga ng kaibigan niya habang tinitigan naman siya ng asawa nitong si Aleg.

"H-huh? Naiinggit ka?" Tumango naman siya. She's turning twenty-six this year kaya gusto narin naman niyang magkaroon ng asawa at anak.

"God.. Someone is already waiting for you. And his already waiting for your about six years Che. Bakit ba kasi ang manhid mo." Nangunot ang noo ng dalaga sa pinagsasabi ng kaibigan niya.

"Anong six years na naghintay sa akin? Sino?" Magsasalita sana si Dame ng putulin nito ng kanyang asawa.

"Wala yun. Naku nagiging madaldal narin kasi tung asawa ko. Tsaka anim na taon ko kasi tung hinintay e." Napatango naman siya sa sinabi nito.

"Sige na besh. Ayaw mo bang maging ninang?" Napabuntong hininga na lang si Yeche at tumango sa kaibigan.

"Yehey! Thank you besh mwuah." Napailing na lang siya.

"Ahm Aleg dala ko na nga pala ang mga layouts ng bahay na gusto at ni request ng misis mo." Tumango naman si Aleg sakanya. Kinuha niya ang portfolio sa bag niyang dala at ibinigay ito kay Aleg. Agad naman itong tinignan ni Aleg.

"You're really good at your field Che." Tumango naman si Yeche kay Aleg.

"So I'll wire the money to your account then." Umiling siya kay Aleg.

"Gift ko na iyon." Napangiti naman si Aleg sakanya at sabay silang tumingin sa asawa nito. Pero pareho silang natawa ng makitang natutulog na ito habang may icing pa sa bibig. She look like a kid. Agad niyang kinuha ang cellphone at kinunan ng litrato ang kaibigan niya.

"Ikaw talaga Che. Mukhang sayo nagmana tung kaibigan mo e. Mahilig man trip." Tinawanan niya lang ang sinabi ni Aleg sakanya. Mabilis na tinignan ni Yeche ang cellphone niya ng magbeep ito. Bumungad agad sakanya ang messages ni Zyg.

'Wife nasan ka?'

'Miss na kita Baby.'

'Why aren't you replying to my texts?'

'Baby?'

'Wife?'

Natawa na lang siya sa mga text sakanya ni Zyg. That guy has really confused her so damn much. Matapos kasi ang dinner nila nung lunes mas lalo itong naging sweet sakanya at mapang-akit. He even said that he will do anything para lang maramdaman niya ang isang karamdamang magpapabaliw sakanya.

"Why are you smiling Che?" Napatingin siya kay Aleg. Umiling lang siya tsaka binalik ang phone sa bag.

"Sige una na ako huh? You can return that this week." Tumango naman ito sakanya. Lumapit siya sa kaibigan na tulog na tulog habang nakahilig sa asawa nito. Hinalikan niya ang pisngi ng kaibigan at tuluyan ng nagpaalam.

Pagkalabas niya sa restaurant ay agad sumalubong sa mukha niya ang bouquet ng bulaklak. Blue roses kyaah it's her favorite rose. Nag-angat siya ng tingin sa kung sino mang tao ang may hawak nun. Gayon na lang ang pagkabigla niya ng makitang si Zyg yun. Nakasout parin ito ng tuxedo habang v-neck na white t-shirt naman ang panloob nito. This bad ass boy.

Nakangiting kinuha niya ang bulaklak sa binata at inamoy iyon. Ngumiti siya rito bago humalik sa gilid ng labi nito. This time hindi na niya pipigilan ang sarili niya. Sapat na siguro ang apat na taong pagpipigil na ipahalata sa binata ang nararamdaman niya.

"Y-you k-kissed m-me i-in.. Shit" Napatawa siya sa pagkautal nito. Mabilis siyang lumapit rito at pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. Nakatulala parin ito sakanya. Ito kasi ang parating na uunang humahalik sakanya kaya siguro gulat na gulat ito.

"Dala mo ba ang sasakyan mo? Hindi ko kasi dala yung akin nakisakay lang ako kina A--" naputok ang sasabihin ng dalaga ng bigla siya pinaharap ng binata at walang sereseremonyang hinalikan ng mapusok.

She's shock. Hindi niya nagawang gantihan ang halik nito dahil sa pagkabigla. At nang humiwalay ang labi nito sakanya agad siya nitong tinitigan sa mata.

"Damn woman your making me so damn crazy." Nakatulala lang siya sa binata. Na nakangiti sa kanya at habang nakatigin sa mga mata nito ay may kung anong emosyon siyang nakita na hindi niya mapangalanan kung ano.

"Let's go Wife." Why it's sound so good to becalled why by him? Damn I'm going to be crazy to this man. Napatanga siya ng halikan ulit siya nito.

.........
KANINA pa naiinis si Yeche dahil hindi pa siya kinikibo ni Zyg. Habang nasa byahe pa sila at hindi niya alam kung saan sila patungo ay panay naman ang buntong hininga niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta huh?" Tinignan naman siya ng binata.

"It's a secret Wife." Sinamaan niya ito ng tingin.

"Kanina ka pa!" Napapreno ang binata ng biglaan dahil sa pagsigaw niya.

"Che!" Sinamaan niya ito ng tingin.

"Tse. Nakakabwesit ka gago!" Agad niyang tinanggal ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Mabilis siya naglakad pabalik.

"Bwesit siya pagkatapos kung hayaan ang sarili kong halikan na lang siya ng biglaan hindi siya iimik. Ako na nga itong gumagawa ng paraan siya pa tung ayaw mamansin. Nakakabanas." Nang makita niyang may taxi na padaan agad sana siyang papara kung wala lang yumakap sakanya mula sa likuran. Agad nanout sa ilong niya ang pabango ng binata.

"I'm sorry Baby. Nabigla lang kasi ako kanina. Tsaka alam mo namang hindi ako sanay na ikaw ang unang humahalik at humahawak sa kamay ko." Agad siyang humarap sa binata. Tsaka nakangusong nagtanong rito.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Ngumiti lang si Zyg sakanya na ikinasimangot niya.

"It's a surprise Wife." Tsaka ngumiti ito ng nakakaloko sakanya.

"Ano na naman yang iniisip mo huh?" Nagkibit-balikat lang ito sakanya bago siya nito pinangko at pinaupo sa passenger seat. Nag-angat siya ng tingin kay Zyg na nakatayo sa may pinto ng sasakyan.

"What?" Takang tanong niya kay Zyg. Then in a slow motion Zyg lips meet hers. Hindi siya agad naka tugon sa halik nito. Pero bago pa man siya makaganti ng halik dito kumalas na ito sa halik. Nakakabitin.

"There. I really love the taste of your lips Wife." Ngumuso lang siya rito tsaka inirapan.

"Nang aabuso ka na." She hear him chuckle that can make her heart flip.

"Hindi mo naman ako pinipigilan e. Tsaka mukhang gusto mo naman." Umirap siya rito tsaka tinulak ito para isara ang pinto ng sasakyan. Umikot naman ito tsaka umupo sa driver seat bago ito pinaharurot sa kung saan man siya nito dadalhin.

Hanggang sa marating nila ang isa sa private resort na pagmamay-ari rin ng binata. Isa itong private property na resort pawang pamilya lang ng binata ang pwede rito. Pero bakit siya nito dinala rito?.

My Pervert Bestfriend [Short Stories #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon