Kabanata 4

13K 135 1
                                    

PAGKABABA nila sa bangka ay agad siyang napangiwi. She still can felt that she freaking wet. Nakita niyang ngumiti ang binata sakanya at ng makasalubong ang mga mata nila ay agad siya nitong kinindatan.

Umirap siya rito at naunang maglakad. Walang bakas ng kahit anong bahay sa sea side ng Beach Resort. Pero ng makapasok sila sa isang bulaklak na nagsisilbing entrance ng reasort ay natulala siya sa aking ganda nito.

Kung sa ibang resort pa siguro marami ng mga building ang entrance pa lang. But this tago nga talaga ang ganda nito. Totoo nga ang sabi nila ang totoong ganda ay hindi nakikita sa panlabas na anyo.

"You like it?" Tumango siya rito.

"Grabe parang nasa loob tayo ng gubat." Natawa ito sakanya bago guluhin ang buhok niya.

"Nasa gubat naman talaga tayo." Napanguso naman siya. Inirapan niya ito bago sumunod dun sa nagto-tour sakanila. Habang naglalakad palingalinga naman siya sa paligid. Dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya dahilan para muntikan siya madapa kung hindi lang siya nasalo ng isang tao.

Whoa ang gwapo! Blonde ang kulay ng buhok nito at mas matangkad pa sakanya. Siguro kasing tangkad ni Zyg.

"Hey! Ganda okay ka lang ba?" Napakurap-kurap siya sa taong nasa harap niya. Pagkaunaway tumayo ng tuwid.

"Ahm--" Naputol ang pagsasalita niya ng sumabat sa usapan nila si Zyg.

"She's fine." Malamig nitong sabi at hinila siya palaya sa lalaking nakabanggaan niya. Tinignan naman niya si Zygmunt na nakakunot ang noo at madilim ang mukha.

Galit ba siya? Nagpaubaya na lang siya sa binata hanggang sa masuyo siya nitong hinila patungo sa silid nila. Ang plano nila ay manatili lang ng isang gabi rito pero mukhang nagbago ang isip ng binata kaya nagdala siya ng pangtatlong araw na damit na pamalit. Syempre may mga extras.

Kahit nakapasok na sila sa magiging kwarto nila hindi man lang siya pinansin ng binata na unti-unting nagpairita sakanya. Pabagsak niyang inilapag ang traveling bag niya tsaka hinarap ang binata na nakapamewang.

"Anong problema mo?" Mataray niyang tanong sa binata. Tinignan lang siya nito bago nagpatuloy sa pagkulikot sa cellphone. Nangunot ang noo niya ng bigla itong tumayo at lumabas ng kwarto na hindi man lang siya nililingon.

Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa pintong nilabasan ng binata. What the! Napahawak na lang siya sakanyang ulo bago nagpasyang maligo na lang.

Mabilis ang bawat galaw niya habang naliligo. Nang matapos na siya ay hubo't hubad siyang humarap sa human size mirror na nasa banyo. Agad bumaba ang tingin niya sa leeg niya bago ito tuluyang bumaba sa pagitan ng hita niya. Agad siyang pinamulahan ng mukha ng maalala ang ginawa ng binata sakanya kanina sa bangka.

"Shit!" Mabilis siyang nagbihis at pinatuyo ang buhok niya. Mag-gagabi na pero hindi parin bumabalik ang binata nag-aalala siya rito pero agad rin nawala ang pag-aalala niya ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zyg at isang babaeng halos lumuwa na ang kaluluwa sa sout nitong damit.

"Zvo wag ka ng maglalasing huh! Pinag-aalala mo ako e." Nakatayo lang siya sa may pinto ng banyo habang nakatingin sa binata na pinapahiga ng babaeng hindi niya kilala. Nang maihiga ito ng babae lalapit na sana siya ng makita niya hinila ito ni Zyg at mapusok na hinalikan.

Para siya naupos na kandila sa nasaksihan niya. Namalayan na lang ni Yeche na nasa isang garden na pala siya habang nakaupo sa isang bench na malapit sa isang napakalaking puno na nakahulma ang mga dahon nito na parang payong.

"Here." Napatingin siya sa panyo na kulay Blue na nakatapat sa mukha niya. Tinignan niya ang kamay na naglahad nun at ng makita niya ang mukha ng taong nakabangga niya ay agad siyang natigilan.

My Pervert Bestfriend [Short Stories #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon