Chapter 31 (Lost Dylan)

23 0 0
                                    

Gaile's POV


After nung ligawan nung dalawa ay dumeretso ako sa National Bookstore..

Nagtitingin ako ng books at may nakita ako.. ayun yung libro na pede kang matutong mag korean ayun yung book na gustong gusto ko.. kinuha ko yun..

Tinignan ko yung price and meron pa akong pang bili ng kung ano ano.. Namalayan kong may nakatingin sakin mula sa kinuhaan ko ng book.. Tinignan ko at..

"Ay palaka!" napasigaw ako..

Si Diego!! Ngumiti sya.. inirapan ko naman sya at dumeretso sa right side ko para tumingin ng wattpad books wala naman ako masyado nakita kaya dumeretso na ko sa cashier at binayaran na iyon..

Papalabas na ako ng National Bookstore at may sumigaw.. "Mamaaaaaa!! Huhuhu" umiiyak yung bata.. nakakaawa sya pero mukhang mayaman siya.. Nilapitan ko siya..


"Bata? Anong pangalan mo?"


"Dylan po.."


"Bakit ka umiiyak?"


"N-nawawala po kasi ako.. S-shi yaya naman po A-ano! Nadun! Nakikipaglandian dun sa ano! *sniff* dun sa lalaking mukhang unggoy!" napatawa ako..


"Teka gutom ka na ba?"


"O-opo"


"Tara bibilhan kita ng pagkain.. Gusto mo sa McDo nalang?"


"S-sige po kayo po bahala"


Sumama siya sa akin at umorder ng Chicken w/ rice para sa bata at bumili na rin ako ng dalawang happy meal ang isa ay sakin at yung isa ay dun sa bata na si dylan..


"Dylan oh.. Happy meal tsaka yung kakainin mo ngayon.."


"Salamat po.. Nasan na po kaya s-si *sniff* yaya?"


"Mamaya maya na diyan na din iyon.. Gusto mo hanapin natin sya mamaya?"



"K-kayo po b-bahala"



"Sige kain kana muna dyan.." pinunasan niya yung luha nya at nag start ng kumain.. ako naman ay binuksan ko ang happy meal ko at nakita ko dun na may laruan..


oo na oo na! haha Ang childlish noh? ibibigay ko nalang to.. "May kapatid ka ba?"




"O-opo.."


"Mahilig ba sya sa laruan?"



"Opo.. Pero display nya lang po.. matanda na po kasi siya eh.."


"Ah sige.. Sayo nalang din pala to" inabot ko yung laruan at nag thank you naman siya at nginitian ko sya..


Ayos rin tong batang to.. Mukhang mayaman! Tapos ang porma pang model! hahaha..



May mga nagsilapitan samin na mga matatanda.. "Dylan!! Papicture naman!"


"Ah.. Okay lang po ba ate?" sabi sakin at tumango nalang ako.. Ang iba naman ay nagpa fan sign at pagkatapos nun ay inubos nya na ang kinakain nya..


Pero nagtataka ako.. Paano sya nakilala nung mga matatanda dito tapos nag pafan sign at nag papicture pa?


"Teka Dylan.. Artista ka ba?" tumawa sya.. ang cute.. hihi..



"Opo.. Hehe... Ako po yung nasa Once a flying kiss!"


O___O


Siya yun!?


"Ikaw yun?? ay nako po! sineswerte ata ako ah!!" tumawa kami.. matapos syang kumain at naglakad lakad kami..


May tumatakbong babae papalapit sa amin..

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon