Krishna's POV
Tapos na ako mag shower at magbihis pinupunasan ko nalang yung buhok ko kasi medyo tumutulo tulo pa.
Nakita ko si Chris nakaupo sa kama inaantay siguro ako. Naglalaro pa sya sa phone nya siguro pampalipas oras nya.
Bigla syang napalingon sa kinatatayuan ko"Tapos kana? Kanina pa kita inaantay dito kakain na pala " Sabi nya na parang naiilang ilang
Naka shorts lang kasi ako tas yung medyo mahabang Shirt ko. Parang di naman to nasanay eh simula nung bata pa kami lagi naman akong pinag susuot ng mama ko ng mga dress or shorts. Pero baka iba na ngayon kasi malalaki na kami
"Huy! Anlalim ng iniisip mo ha halika nga dito ako na mag aayos ng buhok mo" sabi nya sabay hila sakin at pinaupo sa kama habang nakaharap kami sa salamin.
"Chris? " i called him
"Hmm? Bakit? " sabi nya
"Kelan ka pa natutong mag ayos ng buhok ng babae? " tanong ko kasi parang sanay na sya nung bata kasi kami halos di nya magawa ng eh haha
"Nung triny kong ayusin at patuyuin buhok ni mom at ayun best achievement sakin yun haha" sabi nya at sobrang saya nya pa
Tapos na nyang ayusin at patuyuin buhok ko kaya sabay na kaming bumaba ng dining area sakto ang dating namin kasi mag sisimula palang kaming kumain.
..........
Habang kumakain kami. Sobrang saya naming nag kwentuhan i know naman na namiss ng Mom ni Chris at Mom ko ang pag uusap at pag kwekwentuhan nila.
After naming kumain tinawag ako ni Chris dahil busy pa ang parents namin sa pag kwekwentuhan.
"San tayo pupunta " tanong ko
"Maglalakad lakad lang tayo saglit pahangin lang nakakamiss ka kasing solohin" sabi ni Chris
"Haha solohin talaga noh? Or may sasabihin ka? " sabi ko kasi kilalang kilala ko to eh
"Oo na may sasabihin ako pero mamaya na yun pag nakarating na tayo sa cottage" Sabi ni Chris
What? Cottage? Hmmm...sabi nya maglalakad lakad lang kami para magpahangin tas may pa cottage na nalalaman? Hmm hayaan ko na
........
Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa cottages pero sabi nya sa dulo daw kami pupunta so ayun nga tinakpan nya yung mata ko nung medyo malapit na kami
"Para san to?" Sabi ko nung tinakpan nya mata ko
"Basta malalaman mo rin pag andun na tayo " Chris said
Medyo na excite ako na ewan at nung andun na kami ay
"Ready?" Ika nya
"Yes naman" sabi ko
Until he removes his hand to my eyes then ang nakikita ko ngayon is yung pictures namin nung bata kami tapos may pa Banner na "I miss you so bad "
Ngayon ko lang nakitang umeffort to ng ganito akala mo jowa ko eh.
"Krish i want to tell you something first" Chris said
"A- ano yun? " nauutal kong sabi
"Babalik na kami sa bahay near sainyo , then kung saan ka nag aaral dun na rin ako mag aaral mag tratransfer ako "
Excited at nakangiting sabi ni Chris sakinI can't believe this babalik sila sa dating tirahan nila near samin. At tratransfer sya sa paaralang pinapasukan ko.
"Really? I can't believe this magkikita na tayo araw araw nyan na excite tuloy ako "
Sabi ko ng nakangiti at nasisiyahan sa sinabi nyaTo be continued...
Please vote ❤
Thank you sa sumuporta at nagbasa ng story na to sorry kung natagalan ang pag update ko dahil sa sobrang kabusyhan ko babawi ako mga readers ko lovelots❤
YOU ARE READING
I'm Inlove with my Bestfriend (On Going)
Teen FictionChris Rodriguez is secretly inlove with his girl bestfriend named Krishna Johnson Simula bata hanggang pagtanda ay isang matalik na magkaibigan na sila. Malalaman kaya ni Krishna ang patagong nararamdaman ni Chris sakanya? May Kaagaw ba sya ? to be...