CHAPTER TWO

1 1 0
                                    


ABY

The next day...

Nandito ako ngayon sa may garden nang maisipan kong maglakad-lakad para libutin 'tong buong village..  tama kayo, village ang tinitirhan namin kaya tabi-tabi ang mga bahay at pare-parehas pa.. Bakit ako maglalakad-lakad? Wala lang trip ko lang, walang magawa eh.. Nagsisimula nang dumilim nun at sakto namang lumabas si Andrei.. Tentenenennn!! KTB alert!!

"Oh, Aby 'San ka pupunta? Dumidilim na ah?" Nakangiting tanong niya sa'kin.. Jusko! Napakaguwapong nilalang!

"Ahh.. Maglalakad-lakad lang naman ako para libutin 'tong villagenahihiya Kong sagot sa kanya.. At biglang lumapad ang ngiti niya..

"Samahan na kita! Wala naman akong gagawin eh.." Sabi niya at sumabay na sa'kin sa paglalakad.. Hindi agad ako nakapag-salita..

"So, anong year ka na pala ngayong ngayong pasukan?" Pagbasag niya ng nakabibinging katahimikan.. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti.

"Magfo-fourth year.. Ikaw?" Sagot ko habang pinipigilan ang kilig...

"Same pala tayo haha! Sana classmate kita!" Napangiti na lang ako ng maluwag.. Hindi ko napigilang hindi kiligin dun sa sinabi niya..

"Sana nga.." Nakangiti Kong sagot sa kaniya.. At muli tumahimik ang paligid..

"Uyy! Fishballs! Tara.." Anyaya niya sakin at biglang hinawakan ang kamay ko.. Nagtindigan ang mga balahibo ko at halos maglundagan ang puso ko.. Jusko! Ang lambot ng kamay niya! Wag mo munang bitawan please!

At kung sini-suwerte nga naman! Hindi nga niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating na kami sa harap ng tindahan ng fishballs..

"Kuya, pabili nga po ng fishballs.." At inabutan niyang 20 pesos ang mama.. Napatingin naman siya sa kamay namin at napangiti.. Nahiya ako bigla

"Ang sweet niyo naman po.. Nagde-date po ba kayo?" Nakangiti pa'ring tanong samin ng mama..

"Ahh.. Hehe.. Opo." Nakangiti ring sagot niya kay kuya na sobra talagang ikinagulat ko.. Napatingin ako Kay Andrei na ngayo'y ang lapad ng ngiti at sa kamay kong kanina pa niya hindi binibitawan.. Gustong magwala ng puso ko dahil sa sobrang kilig pero wag ngayon.. Baka maibuhos ko lang kay kuya ang kumukulong mantika ng fishballs!

Holding hands while walking and peg namin ngayon habang kumakain ng fishballs..

"Ang sweet naman nila!"

"Oo nga, ang ganda't ang guwapo pa!"

"Bagay sila 'no?"

Naririnig naming chismisan at di ko talaga maiwasang hindi mapangiti at kiligin dahil sa mga sinabi nila and malungkot at the same time.. Hayys sana totoo na 'to, kaso hindi eh! How sad.. Napatingin ako kay Andrei na ngayo'y ang lapad pa'rin ng ngiti.. Baliw lang?

THE 12 HEARTBREAKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon