ABY'Aby anak.. Wala na tayong stocks eh.. Kaya pupunta muna ako sa supermarket nitong village.. Maiwan ka muna dito ah? Don't worry ibibili kita ng paborito mong Apples! Mga isang basket OK na siguro hihi. Kthnxbye!'
PS: Sinulat ko na lang tulog ka pa eh!
PPS: Ang ganda ko talaga forever!Napangiti na lang ako nang mabasa ko ang sulat na yun.. Kahit kailan talaga ang hilig niyang mag-joke! Hahaha! Tawa ka na.. Tsk!
Dali-dali along naghilamos at bumaba para kumain ng almusal..
Habang kumakain.. Naalala ko bigla ang mga nangyari kahapon.. Wala sa sarili akong napangiti.. 'Hayy.. Sana siya na nga' bulong ko sa sarili ko at ininom ang 3in1 na kape.. Oo alam ko.. Ang poor ko na.. Charr!
"Pfft.. Aray! Ang init bwisit!" Biglang sigaw ko.. Jusko ang sakit! Alam mo yun? Hindi mo nga pala alam, nagbabasa ka nga lang diba? Tanga ko talaga, tanga sa pag-ibig.. Laging iniiwan, laging sinasaktan.. Hayy buhay..
"ANDITO NA 'KO!" Sigaw ni Nanay dahilan para magulat ako.. Bwisit lang!
"Di usong kumatok?" I said sarcastically
"Grabe parang di ko bahay 'to ah! Palayasin kita ng di oras gusto mo? Tulungan mo nga ako dito!" At inabot niya sa'kin ang pinakamabigat niyang dala.. Bwisit talaga eh
"Anyway anak, may chocolate diyan Pinapabigay ni An-- sino nga ulit 'yon? Yung kapitbahay nating guwapo.. Andrew?" Dagdag pa niya kaya dali-dali kong nilapag 'yon at agad na hinanap kung nasaan ang chocolate..
"Aus! Nabuhayan ka naman agad? Landi mo talagang bata ka kahit kailan.. " Sinabunutan niya ako ng mahina.. "Anyway ulit, sinabi pa sa'kin ni Andrew na sabay na daw kayo magpa-enroll" Dagdag pa niya
"Really? Sinabi niya 'yon?" Maluwag na ngiting tanong ko
"Kasasabi pa nga lang diba?" Pambabara niya sa'kin.. Napairap na lang ako.. Yeah right!
"Andrei po ang pangalan niya Ok? Hindi Andrew.. Like duh!" Sabi ko pa.. Jusko! Ayan na namang titig na 'yan eh!
BINABASA MO ANG
THE 12 HEARTBREAKS
Підліткова література"Magmamahal ako hangga't kaya ko" Yan ang motto for life ni Lullaby Fajardo. Aby for short.