Deniel: Salamat sa pagbisita. Pasensya na ah. Medyo maalikabok dito. Luma na kasi yung lugar.
Anise: (Tumingin ng diretso sa mata ko at tumango, sabay hinawakan ang kanang braso at ibinalik ang tingin sa kaliwa.)
Deniel: Anise Mandana. Ang ganda naman ng pangalan mo. Tama ba - ang Mandana ang sinaunang pangalan ng Mindanao?
Anise: (Walang kibo.)
Deniel: Ummm... Sa pagkakaalam ko, salitang Norse din siya para sa salitang ginhawa. Oh diba, ang ganda? Ito ba yung naisip ng mga magulang mo nang pangalanan ka?
Anise: (Tinignan ako mula baba hanggang taas na para bang tinatansiya kung tunay ba ang aking sinabi.)
Deniel: Gusto mo ba munang-
Anise: (Tumingin sa aking mga mata. Lumamig ang paligid.) Hindi.
Deniel: (Pasimpleng yinakap ang sarili sa lamig.)Ano 'yon?
Anise: Ang mga magulang ko. Hindi nila naisip ang kahulugang binigay mo. Ginhawa.
(Humangin at umandap-andap ang apoy ng kandila.)
Deniel: (Pinipigilang manginig ang baba.) Paano mo nakuha kung ganoon?
Anise: Isang misyonero.
(Bumuklat ang mga pahina ng librong nasa aking tabi.)
Anise: Tinuruan niyang magbasa ng Bibliya si ina. Nagtimpla siya ng tsaa. Tulong sa pagduduwal ng aking ina nang siya'y nagbubuntis sa akin.
Deniel: Nakatulong ba ito sa kaniya?
Anise: (May tinitigan sa kanang bahagi ng mukha ko.) Nagustuhan ni ina ang amoy nila. Nang ipanganak ako, isang mangkok puno ng mga bulaklak na ito sa tabi niya.
Deniel: Gano'n ba?
(Napahinto. Bahagyang lilingon ngunit biglang kumalampag ang pinto.)
Anise: Mga matang nagugutom. Laging nakatingin, nagmamasid. Kahit saan man ako magpunta. Laging nakatingin. Nakadungaw sa bintana, nakasilip sa kubeta, laging kapag ako'y nag-iisa. Walang naniwala. Walang naniwala dahil ako'y bata pa. Dapat sila'y naniwala. (Nakatitig pa rin sa kanang bahagi ng mukha ko. Nanlalaki ang mga mata.)
(Lumakas ang hangin. Paulit-ulit na kumalampag ang pinto. Nakatingin siya sa sariling mga kamay.)
Deniel: Anise? (Susubukang lumingon ulit.)
Anise: 'Wag! Kahit ano man ang iyong marinig... Hindi ka maaaring lumingon. 'Wag kang lalayo sa ilaw ng kandila. (Huminto ang lahat. Itinaas niya ang kaniyang tingin. Nangingilid ang kaniyang mga luha.)
Deniel: K-kailan mo unang nakita ang mga matang ito?
Anise: Bata pa lang ako. Pinakilala nila bilang matalik na kaibigan ni Itay. Mapagkakatiwalaan. (Umiwas ng tingin.)
Deniel: Natatakot ka ba sa kaniya?
Anise: (Hinarap ako, nanlilisik ang mga mata nang nakangisi.) Takot?
Deniel: (Tumindig ang mga balahibo at kinilabutan.)
Anise: Noon. Pero ngayon... ako na ang kanilang kinatatakutan. (Biglang naglaho.)
![](https://img.wattpad.com/cover/148785783-288-k6dac46.jpg)
YOU ARE READING
Mga Rebisadong Ehersisyo
Aktuelle LiteraturBilang pagtugon sa huling pangangailangan sa kursong FIL150, ang aming klase ay inatasang baguhin ang aming mga naunang ehersisyo sa klase. Ang mga sumusunod ay mga rebisadong salin ng aming mga ehersisyo sa nasabing kurso.