Munting Ligaya

14 0 0
                                    

"Ang bagal mo naman eh," pang-aasar ni Dalisay. "Bilisan mo!"

"Sandali," hinihingal na sagot ni Anise. "Hindi magkasinghaba ang mga binti natin."

Tumawa lang ang dalaga at sabay hinawakan ang kamay ng kaibigan para mahila ito. Malubak at mabato man ang daan pauwi, mahigpit naman ang kapit nila sa isa't isa. Hindi sila nagbitaw ni isang beses kahit nang batiin pa ni Dalisay ang pasmadong mga kamay ni Anise.

"May gusto akong ipakita sa 'yo sa bahay!" wika ni Dalisay. "Tara na!" Tumakbo ang dalawa, magkahawak pa rin ang kamay, malalaki ang mga ngiti at nagtatawanan. 

Malapit na sana sila sa kanto paliko sa bahay nina Dalisay nang may makasalubong silang mga matatandang babae. Nagtinginan sila at biglang nagbulungan nang makita ang dalawang dalaga.

Napatigil sina Anise at Dalisay. Hindi nila alam kung bakit pero bigla silang nahiya sa pag-asta nila. Binitawan nila ang kamay ng isa't isa at nagpatuloy lang sa paglalakad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Rebisadong EhersisyoWhere stories live. Discover now