Chapter 1: Break-Up

386 5 3
                                    

Zylie's POV

Excited na excited ko ngayon at naglalakad habang dala-dala ko ang regalo ko kay Jarell, my boyfriend. It's our 2nd anniversary today at di ko mapigilang hindi ma-excite. Simula ng matanaw ko si Jarell sa gilid ng school ay mas binilisan ko pa ang paglalakad at hinding-hindi ko matanggal sa sarili ang napakalaking ngiti. Pero bigla akong napahinto simula ng may lumapit sakanyang babae.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong wala sa sariling bigla nalang nagtago sa gilid ng isang pader na para bang nagmamatyag kung ano ang ginagawa nila.

Minanmanan ko sila hanggang sa nagsimula nang tumulo ang mga luha ko dahil sa sumunod na nangyari.

Nakita ko si Jarell at ang haliparot na babaeng mukhang paang tinubuan ng mukha at may bonus pang malalaking tigyawat sa mukha na isang sampal ko nalang ay sasabog na habang naglalaplapan na akala mo ay wala nang bukas.

Di ko matanggap na ipinagpalit ako ni Jarell sa mukhang bangkay na naaagnas na. Ok lang sana sakin kung ipinagpalit niya ako sa mas maganda pero napakasaklap na mapupunta lang pala siya sa babaeng mas mukha pang hayop kaysa sa alaga kong aso.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sasampalin ko ba ito pero pag ginawa ko yun baka malalagyan lang ng germs ang 'Precious hand' ko. Hindi ko rin alam kung makikipagsubunutan nalang ako sakanya dahil pag ginawa ko yun, baka magka kuto lang rin ako.

Pero kahit anong pag-iisip ang gawin ko, sa huli umalis ako papalayo sa lugar kung saan nangyari ang kabalastugan na ginawa ni Jarell at ng babaeng mukhang bangkay habang sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha.

Bakit pa ako mag-eeskandalo kung ako rin naman ang mapapahiya. Ano pang saysay ng pagiging valedictorian ko kung magmumukha lang akong katanga-tanga sa harap nila. Wala nang saysay kung magwawala lang ako dahil hindi naman nito maibabalik ang mga pangyayari.

Habang nakayukong naglalakad bitbit ang regalo ko, hindi ko namalayang may tao pala sa aking harapan at nabangga ko ito.

"Shit! Miss don't you have eyes? You're blocking the fucking way! Kung aangkinin  mo lang naman pala yung daan dun ka nalang sana lumakad sa hall way,there's much bigger space there." sabi ng nakabangga ko.

"Wala po akong oras makipag-joke dahil simula ng niloko niya ako, naging manhid na ang aking pagkatao" sagot ko habang nakayuko.

"Ooohhhh!" sabi naman ng mga kasama niya.

"Girl don't be sad na. Madami pa namang boylet diyan sa tabi-tabi. Wag lang ako dahil di hamak na mas maganda ako sayo. Di tayo talo." maarte niyang sabi.

Unti-unti akong tumingin sakanya at dun ko lang napagtanto na bakla pala ito. Natulala ako dahil mas makapal pa ang make-up niya sakin na dahilan para magmukha siyang coloring book. Panong nangyari yun? Kanina boses lalake to ah.

"Oh? Ba't ka natulala diyan? Gandang-ganda ka sakin no? Well, may mga bagay talaga na pag hindi mo maabot, hanggang titig ka nalang." untad niya habang nakataas ang kanang kilay.

"Hoy bakla! Feelingera ka rin ano? Kaya yan nakatulala dahil ngayon lang daw siya nakakita ng multong assumera." tugon naman ng kasama niyang mukhang canvas dahil sa sobrang kapal ng make-up.

"Tse! Manahimik ka nga diyang bruha ka! By the way I'm Paulo Alexis but you can call me Pauleen." pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

Tinitigan ko lang ang kanyang kamay at muling ibinalin ang aking mata sa kaniyang mga kasama. Bat ba ang kakapal ng mga make-up nila? Pupunta ba sila sa birthday party at magiging clown?

"Ate girl." muling sambit niya.

"Sabihin mo sakin kung may balak ka pang makipag-kamayan dahil nangangalay na yung braso ko" sabi ni Pauleen.

"Bakla! Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang may hawak siya?" tugon naman ng kasama ni Pauleen.

"Sorry naman! Teka. Ano ba yang hawak mo ate girl?"

Eto sana yung regalo ko kay Jarell. Tsk!

"Cake to. Kung gusto niyo sainyo nalang wala naman na yang silbi dahil pag inuwi ko yan maaalala ko lang siya" walang gana kong sambit.

Nagtinginan silang lahat at biglang nagtawanan "Ohhhh! Broken hearted pala tong si ateng" malamang di naman ako magkakaganito kung di ako nasaktan.

Tumingin sila Pauleen sakin at bigla akong inakbayan. "Ate girl gusto mo ba sumama samin? Pupunta kami sa isang party. Para naman gumaan ng onti yang loob mo and makalimutan mo ng sandali yang boylet na sinaktan ka sumama ka na. This is going to be awesome. Promise!" sabi ni Pauleen na itinaas pa ang kanang kamay at iniharap sa akin.

Ako sasama? Hindi ko pa sila masyadong kilala. And besides, di kami close nung may party na pupuntahan nila. But, there's a part of me na nagsasabing sumama ako sakanila. I want to forget Jarell even just for a short time. I don't want to get hurt for a while.

I guess kailangan ko ngang sumama sa kanila. Kailangan ko munang malibang kahit ngayon lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wrong Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon