CHAPTER 15

18.6K 283 5
                                    

"Hi Queen Veronica." Bati ng mga basketball players pag dating ko rito sa gym na pinagprapractice-san nila.

"Oh hi shanny." Bati ni kel na I think kakagaling sa shower room.

"Hi kel, asan si jaxx?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko nakikita si jaxx dito.

"Ano kasi shanny eh, ano." Parang nag aalangan pa niyang sagot sakin.

"Hi vero." Bati ni harvs na bigla na lang sumulpot sa kung saan at umakbay sa'kin. Nasa tabi naman siya ni davis.

"Asan si jaxx?" tanong ko sa kanya at gaya ni kel ay hindi rin siya makatingin sa'kin ng maayos.

"Si Jaxx? Nasa may likod ng gym kasama si allaine." Sagot ni davis sakin kaya nagmadali akong umalis sa pwesto nila narinig ko pang nag aaway sila.

"Ang gago mo davis!"

"Tanga ka talaga."

"Aray naman masakit ah! Nagtanong siya, Sinagot ko lang."

Nakita ko ang paglapit ni allaine kay jaxx at unti unti itong hinalikan. Habang si jaxx ay nakatayo lang na parang gulat sa halik pero tumugon din kalaunan.

"What a beautiful view." pag aagaw ko sa atensyon nila at nagawa pang pumalakpak but deep inside para akong tinarakan ng sampung kutsilyo sa sobrang sakit.

"Baby." Gulat na saad ni jaxx sakin habang si allaine naman ay nakangisi na parang nang aasar pa.

"Wag mo 'kong lalapitan." Nasabi ko dahil akmang lalapit si jaxx sakin. Hindi ko na rin makilala ang boses ko dahil para itong yelo sa sobrang lamig.

"Baby makinig ka sa'kin." pag mamakaawa niya at akmang lalapit ulit.

"I'm sorry to disturb the both of you kakausapin ko lang sana si jaxx about the time of their match." Seryoso kong sabi. Hindi ako iiyak sa harap nila, magmumukha akong kawawa. This is reality.

"It's okay." Nakangising saad ni allaine sakin kaya nilingon ko siya in a cold stare.

"Mr. Santos, by 9 am ang match niyo with the Adonis University and 8 am dapat andito na kayo for the opening remark pakisabi na rin sa team mo." at pagkasabi ko no'n ay umalis na'ko dahil pag nagtagal pa ko ay ewan ko na lang.

"Baby please." Pagmamakaawa niya pa rin at akmang lalapitan ako.

"Don't follow me and by the way. Tapos na tayo." Sabi ko sa kanya ng nakatalikod.

"Ano! Hindi ayoko. Walang break up na magaganap." Histerikal na saad niya kaya iniwan ko na lang siya.

"Oh veronica bat napatagal ka?" Tanong ni kuya blake pagkadating ko rito.

"May kinausap lang kuya. Kapag may nag hanap sa'kin ay pakisabing wala ako." Sagot ko sa kanya at dumiretso sa sofa niya para matulog. A Playboy will always be a playboy and nothings gonna change.

"Teka nga, anong nangyari sa pinagawa ko sayo?" Tanong niya sakin at naramdaman ko na lang na lumubog banda sa paa ko.

"Hmm? Wala." Sagot ko lang habang nakahiga at nakatakip ang braso sa mata.

"Come on shanica." pag pipilit ni kuya blake na sabihin ko sa kanya ang problema.

"We broke up." Sagot ko lang sa kanya ng matahimik. Napakaingay eh.

"Ano? bakit!? Teka anong dahilan?" Gulong gulo na tanong ni kuya blake sakin.

"Bakit kasi tumanggap ka pa ng higad dito eh." Paninisi ko sa kanya kahit wala naman siyang kasalanan sa nangyari.

"What do you mean?" kunot noong tanong niya sakin.

"Allaine is jaxx girl bestfriend and may hidden Desire siya kay jaxx. Unfortunately, I saw them kissing." Sagot ko sa kanya at matutulog na ulit.

"Are you serious 'bout that? Are you okay? How do you feel?" sunod sunod niyang tanong sakin.

"I'm fine this is nothing okay, so please give me a break and stop pestering me." Sagot ko sa kanya. I should be okay. Alam ko namang dadating sa puntong 'to ngayon. Ang tanga ko lang talaga.

"Hays okay." Pagsuko niya at naramdaman ko na lang na umalis na siya.

"Shanica wake up. Lunch time na bumaba ka na para makakain." Pag gising ni kuya sakin kaya tinignan ko ang oras.

"I dont want." sagot ko sa kanya at akmang matutulog ulit ng nagsalita na naman siya.

"Umayos ka shanica kanina pa tumatawag si miss erlano sayo habang tulog ka." Pag inform ni kuya blake sa'kin kaya umupo ako agad at tinignan ang phone ko.

"Oo na alis na'ko babalik ako mamaya." paalam ko sa kanya ng makitang naka 10 missed call si safy sa'kin.

"Hi queen veronica gumawa po kami ng cookies." biglang sulpot ng mga freshmen na 'to sa harap ko habang papasok ako rito sa canteen.

"Yes po, home made po 'yan." Sabi naman ng isang 'to na naka bunny hairban.

"Pag thankyou po kasi matutupad po yong wish namin na makapag papicture sa mga idols namin." nakangiting sabat ng babaeng 'to na naka bunny rin.

"Thank you." Pagpapasalamat ko at tinanggap ang cookies nila.

"You're welcome po queen." Sabay sabay nilang saad at nagpaalam na sa'kin kaya dumiretso na ako sa pagpasok.

"Veronica." tawag ni safy sa'kin habang kumakaway kaya napunta sa'kin ang atensyon ng nasa table namin at ando'n si jaxx kasama si allaine. Talaga nga naman, just wow. .

"Binilhan ka na namin ng lunch mo vero." Sabi ni harvs sa'kin. Guilty siguro to.

"Seat here shanny." Sabi ni kel na inaalok ang upuan sa tabi niya kaharap si jaxx. Kaya naman tahimik lang akong umupo at kinuha ang pagkain na para sa'kin.

"Cookies ah, ano 'yan galing sa admirer?" tanong ni safy ng mapansin ang dala ko.

"Babe umayos ka nga." Saway sa kanya ni kiel dahil sa pagiging maingay niya.

"It's okay, tapos na kami." Sagot ko kay safy at batid ko ang gulat sa kanilang mukha kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

***
Pag uwi ko ay dumiretso ako rito sa kwarto ko para magpahinga.

"Ate, si kuya clem andito." pagsasaad ni jayshin sa'kin sa labas ng pinto ko. Walang nangyaring pagtatanong sa lunch kanina at ng natapos ay umalis na rin ako.

"Mag papahinga na ko, pauwiin mo na." Sagot ko na lang ng matapos na.

"Pero ate kanina pa si kuya clem sa sala." Pagpipilit nkya kaya napapikit ako ng mariin.

"Sundin mo na lang ang sinabi ko jayshin." Sagot ko sa kanya at narinig ko na lang ang kanyang pag alis.

Mr. Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon