CHAPTER 34

19.2K 313 13
                                    

Tatlong buwan ang nakararaan at walang araw na hindi ako binibwisit ni jaxx. Lagi siyang nagpapadala ng kung ano ano.

Kabi-kabilaan ang bawat shoot dahil sa mga shop na kumukuha sa akin upang maging endorser ng mga paninda nila. Ngayon ay andito kami sa conference hall dahil may meeting na magaganap para sa bagong launching ng kompanya.

"Goodmorning everyone." Paunang bati ni jaxx na nasa harapan at nasa kabilang dulo naman ay si kelvin at ako'y nasa gilid nila.

"Goodmorning Mr. CEO." Bati nilang lahat habang ako'y nakapangalumbaba at nilalaro ang bote na nasa harap ko.

"Oh, goodmorning miss aine." Bati ulit nila ng bumukas ang pinto ng conference room.

"Ehem." Biglang ubo ni kelvin kaya nilingon ko ito at siya nama'y nagpapatay malisya kaya naman nilingon ko yong Miss Aine.

Allaine.

She's Miss Aine.

Napangisi naman ako at nang bumaling ako sa harap ay nakatitig si jaxx sa'kin kaya naman inungusan ko ito at saka umirap. Narinig ko naman ang mahinang bungisngis ni kelvin.

"So i was saying, we'll be having a new launch for our company's clothing line and I'm thinking na si Miss Shan ang magmomodel ng mga ito. " Wika ni jaxx, agad namang nagbulungan ang mga tao sa loob ng conference room.

"What's the sudden change of a model kung andiyan naman si Miss Aine?" tanong ng karamihan sa mga andito.

"I agree with them jaxx. Kilala na ako ng mga tao, magiging mabenta ang mga ilalaunch natin." Sabat ni allaine at sumang ayon naman sa kanya ang ilan.

"Excuse me but I'm thinking mas magiging mabenta ang mga ilalaunch ng JCL if bagong mukha ang makikita nila." Sabat ko sa usapan at napalingon naman silang lahat sa'kin kasama si allaine. Kita ang gulat sa kanyang mukha.

"I agree with Miss Shan, consumers also need new face. We need new." Sabi ng isang babae at sumang ayon naman sa kanya ang kalahati.

"Pero syempre, maninibago sila. Magtataka kung bakit bago na ang model na ito." Sabat ni allaine na ayaw magpatalo kaya naman nagtaas ako ng kamay.

"Yes Miss Shan?" Wika ni jaxx, napatingin naman ulit sila sa akin kasama niyon ay si allaine.

"Consumers can adjust with the new environment. As y'all can see, I'm one of the Top International Models and I work in S.V Company in america. In that case, mas magiging successful ang mangyayaring launching." Pahayag ko. Sumang ayon naman ang karamihan, gayundin si kelvin.

"I agree with Miss Shan, we need new face para may makitang bago ang mga tao." Turan niya at napatango naman ang ibang members.

"Raise your left hand if you want, Miss Aine to be the face of our new launching and for Miss Shan, raise your right hand." Sambit ni jaxx, nakita ko naman si allaine na nakangisi sa'kin kaya naman prente akong sumandal sa upuan at tinignan siya.

"Kanina pa nakatingin si jaxx sayo." Bulong ni kelvin kaya naman nilingon ko si jaxx at tama nga ito. Pinagkunutan ko naman ito ng noo dahil sa pagtataka.

"Majority wins, Miss Shan will be the face for our launching." Biglang wika niya at nagulat naman ako sa pagdadabog ni allaine bago umalis.

Napailing naman ako sa inasta niya at saka tumayo. Nakipagkamay at nagpasalamat sa pagboto nila sa akin para sa project na ito. Nagpaalam na rin sila isa-isa hanggang sa kaming tatlo na lang natira rito.

Mr. Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon