CHAPTER 33

19K 286 1
                                    

Araw ng linggo at kagagaling lang namin sa simbahan. Iniwan ko si janus sa kwarto habang nanunuod ng cartoons habang ako ay andito sa sala.

"Ate!" Sigaw ni shaniah na hinihingal dahil siguro sa pagbaba.

"Bakit ka nagmamadali?" Tanong ko rito habang naka kunot ang aking noo.

"Did you check your social media?" Tanong ni ash na galing sa kusina dahil may hawak itong baso.

"I don't have time. Why?" Tanong ko sa kanya at saka lumapit si shaniah sa pwesto namin ni ash.

"There are rumors that you're dating the CEO of JCL company. Someone saw you and took a picture." Sabi ni ash at ipinakita naman ni shaniah ang phone niya.

It was me and jaxx, sa coffee shop. This is a problem. Napukaw ng atensyon ko ang aking telepono na tumutunog kaya naman kinuha ko ito at sinagot.

"Did you already check your social media account, shan?" Tanong ni kelvin, sa kabilang linya.

"Nakita ko na." Sabi ko sa kanya, saglit naman siyang natahimik.

"You need to face the media, shan. You're an international model, magpapatawag ako ng press-con bukas." He said before he end the call. Napahawak naman ako sa sintindo ko. Problema na naman.

Wala namang nangyari sa buong araw kun'di bonding lang naming magpapamilya. Nagtext din si jaxx kung ayos lang ako at sinagot ko namang, oo kahit hindi ko alam kung pa'no niya nakuha ang number ko.

***
Lunes na naman at naghahanda na ako para sa press conference na magaganap mamaya.

"Miss Shan? Asan na raw po kayo. Mag uumpisa na raw po ng 8am." Bungad ni mash nang sagutin ko ang kanyang tawag.

"I'll be there in a moment. Pakisabi kay kelvin na kailangan ko ng mga bodyguards." Sabi ko sa kanya at agad naman itong sumagot bago patayin ang tawag.

Pagkaraan ng ilang minuto ay andito ako sa tapat ng building, naka abang na rin ang mga bodyguards na agad humarang para protektahan ako sa mga press hanggang sa makapasok ako sa loob ng hall.

"Miss Shan, totoo po bang nagdedate kayo ni Mr. Santos?"

"Ano pong masasabi niyo sa kumakalat na litrato sa social media?"

"Wala na po ba kayo ng rumored boyfriend niyo na si Alistair Ramirez?"

Ilan lamang yan sa tanong mga tanong ng press hanggang sa makaupo ako sa mismong gitna.

"Isang beses lang kayo pwedeng mag tanong. May 30 mins lamang kayo." Wika ni kelvin sa mga press at nag umpisa na silang magtanong.

"Anong masasabi niyo sa litratong kumakalat ngayon, miss shan?" Tanong ng isang press.

"He is the CEO and i am his model. Walang namamagitan sa amin." Sagot ko sa kanya at nasundan naman ng panibagong tanong.

"Wala na po ba kayo ng inyong boyfriend na si Alistair Ramirez?" Tanong niya naman.

"Alistair is not my boyfriend, he is my bestfriend and he's getting married." Sagot ko rito at nagtuloy tuloy ang tanong hanggang sa matapos ang 30 minutes na ibinigay nila.

"Time is up, lets go shan." Sabi ni kelvin at inakay naman ako nito paalis sa hall.

"Paalisin niyo na lahat ng press." Narinig ko pang utos ni Miss Cath habang tahimik na nakasunod lang si mash sa likod namin.

"Water, miss shan?" Alok ni mash at inabutan ako ng tubig pagkarating namin diyo sa office ni kelvin.

"Leave us first." Utos ni kelvin kaya naman nagsialisan sila mash at umupo siya sa kanyang table.

Katahimikan...

Bumaling ang atensyon naming dalawa ni kelvin ng bumukas ang pinto at iniluwa no'n si jaxx.

"Oh, why are you here?" Tanong ni kelvin kay jaxx, na nasa akin ang atensyon kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang.

"Who's alistair?" Tanong niya sa'kin at mukhang na gets ni kelvin kaya tumahimik siya.

"My bestfriend, why?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at mukha naman siyang nabunutan ng tinik dahil sa lalim ng pag hinga niya.

"How's the press-con?" Tanong niya at kay kelvin naka tingin.

"Going smoothly and please, kung magdedate kayo. Mag ingat na ha." Pang aasar ni kelvin kaya tinaasan ko siya ng kilay at nakita ko naman ang pag ngisi ni jaxx. Okay?

**********
Kinaumagahan ay lagi akong nakakatanggap ng mga chocolates at letters mula sa mga taong sumusuporta sa akin.

"Miss shan, may nagpapabigay po." Mash said while holding a cup of coffee from starbucks and a red roses.

"Sinabi ba kung sino?" Tanong ko sa kanya at umiling lang ito. Tinanggap ko naman ang mga ito at may letter sa bulaklak.

"Start your day with a smile. Goodmorning :)"

Napailing naman ako at mukhang alam ko na kung sino ang nagpadala. Jaxx.

"Hailey, may girlfriend ba si Mr. Santos?" Tanong ko sa kanya na nag aayos ng buhok ko.

"Ang alam ko po ay may namamagitan sa kanila ni Miss Aine pero hindi ko po sure." Sagot niya sa'kin habang inaayos ang buhok ko.

"Who's Miss Aine?" Tanong ko sa kanya. I wonder who is she.

"Siya po ang Top model at face ng kompanya. Wala po siya dito sa studio dahil iba po ang kwarto niya. " Sagot niya sa'kin kaya napatango tango ako at ipinagpatuloy na niya ang pag aayos sa buhok ko.

Nag umpisa na ang ang photoshoot naming lahat. Ito ang pinaka busy day para sa akin. Kabilaan ang photo shoot mula sa mga kilalang clothing line na kumukuha sa akin.

"Miss shan, may tawag po kayo." Sambit ni mash at ibinigay ang phone ko sa akin.

Sinagot ko naman ito at nakitang si madame aya mula sa S.V company ang tumawag at tinatanong kung babalik ako sa america. Pagkababa ko ng tawag ay saktong pagdating ni jaxx.

"Why are you here?" Masungit kong tanong sa kanya. Nginisian niya lamang ako bago lumapit.

"This is my company, obviously." Sagot niya sa'kin. Inirapan ko lang ito at dumiretso sa dressing room.

"May gusto po ba sa inyo si CEO?" tanong ni mash na nakasunod sa akin.

"Wala, may saltik lang yon." Sagot ko kay mash para matahimik din.

"Hey, did you like the flowers that I gave?" Tanong niya na nakasunod pala sa amin. Nakita ko namang nagbubulungan ang mga staff sa isang gilid.

"Umalis ka na nga." Pagtataboy ko sa kanya ngunit matigas ang ulo at buong set akong kinulit.

***
Nang matapos ang shoot ay nagsipag ligpit na sila ng mga gamit nila habang ako ay kinuha na ang bag ko para umalis. Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa parking lot.

"Bolaga." Biglang bungad ni jaxx na sumulpot sa kung saan man.

"What the hell?" Gulat na turan ko at napahawak pa sa dibdib ko. Tinawanan lang ako ng mokong kaya naman hindi ko na siya pinansin pa.

"Hey wait. Hatid na kita." Sambit niya ng makasabay siya sa lakad ko.

"I bring my own car. Thanks but no thanks." Sagot ko sa kanya saka sumakay sa sasakyan ko. Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko at saka siya binusinahan bago magdrive paalis.

Dumaan ako sa malapit na cake shop para bumili ng pasalubong sa maliit na bata at nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako nito ng isang mahigpit na yakap.

"Did you miss mama?" Tanong ko sa anak ko na naka kapit sa binti ko.

"Yes." Nakangiting turan nito sa akin kaya naman pinang gigilan ko ang kanyang pisngi.

"Mama bring a cake for you." Nakangiti kong sambit at ipinakita ang cake na binili ko. Tuwang tuwa naman ito kaya nagbihis muna ako bago siya pakainin ng cake dahil makalat pa itong kumain.

Mr. Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon