Chapter 31 - Fault..

1.3K 17 2
                                    

Readers:

                Sorry po, i really need to explain something here. Nasabi ko pala last time na 2 updates ang epo-post ko, at nangyaring isa lang ang na post. LOL! It’s all my fault, sorry po, nalimotan ko po e post ang pangalawa, which is this one, dinali-dali kong enidit ang notes ko sa chapter na to, nagulat rin nga po ako ee, pagtingin ko sa iphone, \(IoI)/ waaa! Isa lang ang chapter na lagay ko. Sorry talaga. Im being irresponsible na :((

Sana po supportahan niyo parin ito, anyways, I guess this time i need to say the warning na, MALAPIT NA PO ITONG MATAPOS :)) sana po hindi kayo magdamot sa votes, and comments niyo :)

************************************************************************************

Drake’s POV

It’s all my fault.

Dahil sa kapabayaan ko, katangahan, kabobohan, Mia’s suffering again.

Ano ba kasi ang naisip ko’t umalis ako sa tabi niya? GAGO ka talaga Drake! Kahit kelan! Tsk!!

Nagsabunot ako ng buhok at muling humawak sa kamay ni Mia. She’s asleep now. Tulog siya at pagod sa kakaiyak dahil sa takot niya sa napanaginipan.

Sa tawag ni Anne sa akin na isinugod si Mia sa Hospital, hindi ako nag-aksaya ng oras at nagparorot akong sumugod sa hospital. Nang makarating ako. Nasa isang private room na si Mia at natutulog.

Sinalubong ako ng sampal ni Anne, sipa ni Jay, batok ni Max, at irap ni Vince.

Lahat sila galit sa akin. Hindi ko naman sila masisisi. Dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat ng to.

Ilang oras palang akong nakabantay kay Mia, binangungot siya.

At alam kong, ang nangyari noon ang napanaginipan niya.

Im glad that after I woke her up from that nightmare, nakumbinsi ko naman siyang magpahinga uli.

Mahimbing ang tulog niya ngayon at napaka-amo ng kanyang mukha habang natutulog. Hindi halatang may dinadala siyang mabigat na karamdaman.

I should have known better. Kung pwede lang sana ako nalang ang nakakaramdam sa mga dinaramdam niya, tatanggapin ko.

Seeing her suffer, para narin akong pinapatay. Ang OA ko pero totoo.

Kung hindi lang sana ako nagpaka-gago noon, maiiwasan pa kaya namin yung nangyari?

I could have sworn to kill those bastards! I just couldn’t take the fact na niloko at pinaniwala si Mia sa mga kasinungalingan nila. Sila ang gumawa sa trauma ni Mia, nagpalala sa sakit niya, at kung hindi ko pa mapapatay ang mga yon, baka sila pa ang pumatay kay Mia.

Dati pa naisip kong gamitin ang kung meron ako para lang mabura sa mundo ang mga tarantadong mga yon. Pero mismo si Mia ang pumigil sa akin. Ginamit niya ang napagkasunduan namin noon.

Hindi daw niya makakayang isipin na mananakit ako dahil sa kanya. Wala akong magawa, nasa deal namin yon.

Kung alam niya lang sa mga panahon iyon ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko man akalain, at naiwasang mahuhulog pala ang loob ko sa kanya nang dahil lang sa deal namin.

Unti-unti kaming napalapit sa isa’t-isa kahit hindi na mabilang ang away at bangayan namin. Sa mga panahong iyon, inisip kong mas mabuting itago ko ang namumuong damdamin ko sa kanya, pero dahil sa accidente na iyon, minabuti kong humanap ng tyempo para sabihin sa kanya ang laman ng puso ko.

Love Love Syndrome [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon