Nasa eroplano na ako pabalik ng Pilipinas. Sa sobrang pag mamadali ko na makarating agad sa airport kanina, I forgot my phone! Great! Just great Carma. Pano pag tumawag ang mommy? Nakakainis naman! Ang engot kahit kailan! Argh. Napasabunot na lang ako sa sobrang frustration! May pinasukan nanaman na gulo ang kapatid ko? Ilang gusot na ba nya ang inayos ko? Naalala ko yung usapan namin kanina ni mommy.
Nasa Office ako ngayon at may tinatapos na last project. Isa ako sa head ng computer department ng isang secret agency. Kinailangan kong lumayo sa pinas at sa mga kalokohan ko noon. Masyado kong naging sakit sa ulo ni mommy. Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.
*Mommy calling*
"Yes hello? Who's this?" Katahimikan lang ang narinig ko. Tiningnan ko na kung sino ang tumawag, nanlaki ang mata ko ng makita na si Mommy pala yon!
"Hey mom? Bakit dika nagsasalita? Akala ko kung sino na."
"Baby isha you need to go back to the Philippines." Nanginginig ang boses na sabi nya. sht! Kinakabahan ako!
"Bakit mom? What happened? Are okay? Si Nazneen? How is she?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Okay lang ako. Si Nazneen kase.. ano kase e.. kase basta! Umuwi kana bilisan mo, dito na tayo magusap! Bye. Take care. Iloveyou!" toot~ toot~ toot~
Sa sobrang pag mamadali ko di nako nakapag paalam, at umalis na lang.
Shocks! Ano nanaman kayang kalokohan ang ginawa ng bata na yon. Hindi pa naman basta-basta ang napapasukan niyang gulo. What now kaya? Geez.
Ilang oras lang at nag landing na ang eroplano na sinasakyan ko. Hindi nako nakatawag kay mama. Baka nagaalala na yon?
Its been a long time. Nandito nanaman ako sa lugar kung saan ilang beses nakong muntik mamatay. Nakakatawa isipin until now humihinga pa din ako.
Mabilis ang naging biyahe ko papunta sa restaurant kung saan nagwork si mommy. Buti na lang walang traffic. Bumababa nako ng taxi at tiningnan ang buong lugar. Savoury Restaurant ang pangalan nito. Dumiresto nako sa loob at nakita ang isang pamilyar na babae. Nginitian ko sya at lumapit sa may counter.
"Hi my? I miss you so much! Its been a long time huh?" I smiled and kiss her.
"I miss you too baby. Tara na mag usap na tayo." Dinala ako na mommy sa bandang dulo ng restaurant. "Nasa panganip si Nazneen! Diko alam ang buong istorya, ang alam ko lang may transaction na ibinigay sa kanya. Puntahan mo sya at sya na lang ang tanungin mo. Nagaalala ako sa kanya isha!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy. Mapait akong na pangiti. Sana ganyan din sya sakin.
"Okay mommy. Mauuna nako. Bukas ko na hahanapin si Naz. Pagod ako sa biyahe. Ingat ka my! I love you." Humalik nako sa kanya at walang lingon na umalis.
Nagseselos ako sa pag-aalala ni mama kay naz. Pero hindi ganon ka kitid ang utak ko para iparamdam sa kay mommy yon. Sa aming tatlo silang dalawa ang sobrang nahirap ng mawala si daddy. Ako? Hindi ko kailangan ipakita na mahina ako. Pano na sila pag pati ako mahina rin? Kaya pinilit ko kahit mahirap, kahit nasasaktan ako pilit kong tinatago. Ganon siguro talaga? Pinanganak ako para maging kuhanan nila ng lakas. Pinunasan ko ang kumawalang luha sa mata ko at dumiretso na sa taxi na nag aantay sa akin.
Saang lupalop ko kaya mahahanap ngayon si Nazneen. Lagot talaga sakin yun pag nakita ko.
Umuwi na lang muna ko sa dati naming bahay. Luma at maalikabok sobra. Dumiretso ko sa kwarto ko upang maglinis at ayusin ang mga gamit ko.
Nang matapos ako ay nahiga na ako. Unti unting bumibigat ang talukap ng mata ngunit bago ako tuluyang makatulog at may narinig akong nagsalita...
"Welcome back babe. Welcome back Isha."
--