Nang matapos kaming mag-usap at pinaakyat ko na siya sa kwarto niya. Naiwan akong mag-isa sa dinning room. Kailangan ko ng mag-isip ng plano bago ako kumilos, kailangan walang sabit kung hindi pare-parehas kaming mayayare.Bigla kong naalala si mommy! Kailangan ko siyang puntahan at kausapin ulet. Kinuha ko ang bag at phone ko. Bumili ako ng bagong phone, hindi pwde na wala ko nito.
Pag labas ko ng bahay sakto naman daan ng taxi, pinara ko agad ito.
"Saan po tayo ma'am?" tanong ng driver sa akin.
"Sa savour restaurant po kuya."
Ilang minuto lang ay nakarating na kami. Inaabot ko na kay mamang driver ang bayad at nag pasalamat. Bumaba ako at dirediretsong pumasok sa loob. Hinanap ng mata ko si mommy. Nakita ko siyang nagseserve sa isang lalaking naka cap. Familiar sa akin yung lalaki na yon? Saan ko nga ba siya nakita?
Nabulabog ang pag iisip ko ng bigla akong yakapin ni mommy.
Hinila nya ko papunta sa dulong bahagi ng restaurant. Ugali talaga niya ang manghila? Naging seryoso ang expression ng mukha niya.
"So anong balita? Kamusta si Nazneen?" seryosong tanong ni mommy.
"Her problem is really big mom. Okay naman siya pumayat. Pero nilalamon siya ng problema niya." Hindi siya sumagot at natulala na lang.
"Mom isang paraan lang ang pwede kong gawin para matulungan siya."
"What is it baby?" She look at me with her teary eye. Oh please not that look.
"Lahat ng mga gawain na iniwasan ko noon. Lahat ng mga kalokohan ko ay kailangan kong balikan for Nazneen mom. Payag kaba?" Pinunasahan ko ang pisngi niya. Hindi ko kaya na makita kayong dalawang umiiyak ni Naz mom.
"Please help your sister Isha. Please help her." Umiyak na talaga siya. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Shhh. Stop crying! Ang panget mo mommy. Hahaha. Gagawain ko ang lahat para tulungan siya. You don't have to worry, okay?" I kissed her forehead. Bumitaw ako sa yakap niya. "Mauna na ko. Magiingat ka palagi mom. I love you."
"I love you too baby." Humalik ako sa pisngi niya at nagpaalam na.
Patawid na ako ng may narinig akong nagsalita. Mahina pero tama lang para marinig ko.
"Yeah. I saw her. Carma. Yes. Savour Restaurant. Okay bye."
Mabilis akong luminga para hanapin kung sino yon. Ngunit wala ni isang anino akong napansin. Sinasadya ba niya? Mukang nag sisimula na sila. Kailangan ko ng kumilos.
Nagpunta ako sa dati naming hide out. Ganon pa rin ang itsura. Kung paano namin into noon ganon pa rin pag balik ko. Walang pinagbago. Hindi na sila pumupunta dito?
Maalikabok pero hindi ganon kakapal. Mukang dumadalaw pa rin sila dito. Buhay ang ilang sa computer room, pati sa kitchen.
Pumunta ko sa kusina at nakita ang isang basong may laman na tubig at yelo. Mukang may tao nga dito. Biglang bumukas ang pintuan ng CR at lumabas si thea.
"OMYGOD! Ginulat mo ako!" Napatalon siya sa sobrang gulat. Napawahak siya sa dibdib niya. Grabe still the same Olethea Oswald. Ganon lagi ang reaksyon niya page nagugulat.
"Hahahaha. I'm sorry thea. Di ko sinasadya. Akala ko walang tao." Tawa ko sa kanya.
"Hah! Tumawa pa talaga. Pano ka nakapasok dito? Pinalitan ko ang password ah?" Sungit talaga nito.
"Dumaan ako sa pinto kung di mo alam. I got my ways to get in." Ngisi ko sa kanya.
"Argh! Nakakainis ka. Sa ating lahat ikaw lang ang nakakapasok ng walang kahirap hirap!" Naiiyak siya. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.