Matagal niyang kinusot ang sutana ng pari sa tubig na puno ng bula. Ibinagsak niya ang mabigat na damit sa kabilang batya at dinampot ang pinakamalapit na maruming damit na sunod niyang lalabhan.
“Yak!” Nabitawan niya ‘yung polong hawak sa gulat niya sa pagtaas ng sariling boses. Binalikan niya agad ito ng tingin at inusisa ang malagkit na basa sa itim na polo na nahawakan niya.
Amoy Zonrox? Ammonia? Gamot?
Dinampi ulit niya ang daliri sa malagkit na basa. Sarsa ba ito? Ano’ng mga kinakain ni Father at may puting sarsa siya sa damit?
Nandidiring inilublob na ni Nadela ang polo sa tubig. Nang iangat ulit ito, may biglang tumalsik sa lupa na singsing mula sa maliit na bulsa ng basang damit.
Ading
Ading? tanong nito sa sarili. Hindi ba't palayaw ng nanay niya ang Ading?
BINABASA MO ANG
Mga Pagsasanay
RandomIlang pagsasanay sa daan patungo sa pagkakabuo ng pagkatao ni Nadela.