Nagsasalo kami sa pawis. Hindi ko na alam kung kanino ang akin at kanya.
Parang walang mali sa mundo, ako'y nakasayad sa lupa at siya ang mukha ng langit. Kanina ko pa sinisipat ang sandata niyang tila papatay ng hindi papansin sa kanya.
Binugahan niya ng mainit na hininga ang bukana ng kaharian ko. Bawat dampi ng dila niya ay humahagod sa pangambang naninirahan sa aking buong katawan.
Nakakawala ng pagod pero nakakahingal. Parang sobrang natural sa kanya ang paglasap sa tuwa at takot na nadarama ko. Tanging pagpikit nang mahigpit ang kaya kong isukli.
Siya ang nagdala ng langit at ako ang bagyo; sa ginagawa niyang paghagod ay wala akong ibang magawa kundi bigyan siya ng ulan. Malakas na ulan.
BINABASA MO ANG
Mga Pagsasanay
RandomIlang pagsasanay sa daan patungo sa pagkakabuo ng pagkatao ni Nadela.