MBWEL 33

107 4 0
                                    

Jhoy's POV

*Kringggggggg*

Aray naman, sakit sa tainga oh!

"WAAAAHH SINO KALABAN?! NASAAN?!" - narinig kong sigaw ni chen oppa, kahit patay pa ang ilaw kitang kita ko kung paano sya napa upo sa kama nya at akmang manununtok teka ---

Tapos biglang higa ulit?!?!?!?

WAAAAAAHAHAHAHAHAHA

Nananaginip siguro yun, haha

Anyways, baka si kuya ang nag alarm nito para di nya makalimutan. Duh tulog pa rin sya!

Fisrt day of school ko kasi ngayon at mag papahatid ako.

5:00 am na at tumayo nako sa kama. Maghahanda muna ako ng breakfast. I cooked friedrice and ham saka coffee! Hehe, kakagutom.

Pagka luto ko bumalik ulit ako sa kwarto para maghanap ng isusuot ko. Siguro mag si-sibilyan muna ako ng damit ngayon. First day naman eh. Baka mamaya ako lang naka uniform dun.

I prepared my croptop blue shirt with a unicorn on the middle and white high waist pants then a sling bag! Hehe ballpen and isang cathlea lang ang dadalin ko muna ngayon. Just like what i said, first day naman eh haha

After nun bumalik na'ko sa kusina para kumain. Ayos at di pa lumalamig ang coffee ko.

Habang kumakain ako napansin ko na merong bumababa ng hagdan, si suho oppa pala.

"Good morning jhoy" - he said at pumunta dito sa kusina at tinignan kung ano ang makakain.

Haha nakakatuwa sya.

"Good morning oppa!"

Kumuha sya ng fried rice at gatas sa ref.

"Aga mo atang nagising ah?" - sabi nya habang umuupo ulit.

"Opo, eh nag alarm po kasi si kuya eh di naman po sya nagising. Tumayo na po ako para makapag prepare na rin."

"Hmm.. bakit may ano?"

"Ah first day of school po kasi ngayon eh."

"Ay oo nga! Good luck sa'yo. Hahatid ka ni kuya mo noh? Sasama ba si sese?" - sabi nya habang kumakain.

"Thank you po. Ah opo hahatid daw ako ni kuya. Diko po alam kung sure si sehun oppa." - sabi ko at kumain na rin.

"Ah ganun? Sarap nito ah, ikaw ba nagluto?" - sabi nya tumingin sakin

"Opo, haha salamat po."

I sip my coffee.

Ahh, sarap hehe

"Ikaw oppa? Aga mo rin nagising?" - tanong ko sa kanya habang kumakain at may kinakalikot sa phone nya.

"Ah oo, kasi si sehun maiinitin yun. Eh nagising nalang ako naka bukas yung sliding door namin dun sa kwarto. Ayun nagising ako sa lamig." - sabi nya habang nakatingin parin ang mga mata sa phone nya at kumakain

"Ahh"

Nagpa tuloy lang ako sa pagkain ko.

Nagulat nalang ako ng biglang merong tumatakbo sa hagdan pababa at dumiretso sa cr.

Luh

"Sino yun?" - tanong ni suho oppa

"Ewan ko nga po eh, ang bilis nya." - sabi ko

Tumayo si suho oppa at kumatok sa cr.

"Sino nandyan?" - sabi nya habang kumakatok

Pero di sumasagot yung nasa loob, naka ilang tawag na sya.

My brother was EXO Lay??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon