MBWEL 35

102 3 0
                                    


Jhoy's POV

Maaga akong nagising ngayong araw, ginising ako ni kuya bago sila umalis. May rehersal sila para sa concert bukas dito sa seoul.

Nagasikaso narin ako ng sarili ko para sa pag punta sa school.

*ting*

Dinampot ko agad ang phone ko ng mag ring ito sa chat. Si sammy pala nag chat sa gc naming tatlo nila yun hee.

You, Sammy Florencio, Kim Yun Hee

Sammy : @Jhoy gising ka na?
                          
               seen by you, 5:45 am


Yes sammy, waeyo?

seen by sammy and yun hee

Sammy : Sabay tayo. Kita tayo sa bus stop.

Arrasso. Ikaw @Yun Hee
sabay ka rin?

Yun Hee : Hahatid ako ng Papa ko eh. Kita nalang tayo sa school gate :)

Sammy : Oki doki! Ingat yun hee, kita kita nalang :)

Kita kits Yun Hee!

Seen by all, 5:47am

Kumain na'ko. Pinag luto ako ng fried fish ni kuya saka oatmeal. Naubos daw kasi nila yung almusal kasi kagabi halos wala ng nakakain sa kanila puro snacks nalang ang kinain bago matulog. Yung niluto kong hapunan si baekhyun at chen hyung ang umubos kaya ayun napagsabihan nanaman sila ni Suho at Kris oppa.

Haha cute lang ng dalawang yun kapag napapagalitan sila haha. Tawa nga lang kami ng tawa ni Tao oppa nung kinukwento nya sakin kanina. Tulog na kasi ako nung naka uwi sila.

Sobrang nagkakatibag ang schedule nila this past few days until now.

Buti nalang ibinigay na ni kuya yung 2weeks allowance ko haha.

Pagka tapos kong kumain inihanda ko na yung uniform ko after nun naligo na'ko at nag ayos ng sarili.

Kinuha ko na yung bag ko at check ko muna yung bahay baka may maiwan akong naka saksak AYY-- yung plansta ng buhok ko omg! Agad agad akong pumunta sa kwarto ko at tinanggal yung saksak. Hayss buti nalang haha.

Sumakay nako ng shuttle at binaba hanggang sa main gate ng villiage. Naglakad nalang ako papunta bus stop, malapit lang kasi.

Medyo kinakabahan ako, kasi ngayon naka uniform na'ko. Baka mamaya di bagay sakin yung uniform.

Tumakbo ako palapit kay sammy ng marating ko yung bus stop.

"Wow, haha suot na nyaa." Bungad nya sakin

"Nahihiya nga ako eh. Bagay ba? Hehe."

"Oo naman noh! Haha uniform yan enebe haha charot lang."

Sumakay na kami sa bus papuntang school. Habang pasakay kami nakakita kami ng iilang school mates namin at mukang kilala na nila kami. Papaano naka tingin sila samin hanggang maka upo kami ni sammy.

"Nakakainis naman maka tingin yung mga yan, akala mo may nagawa tayong di maganda tss."

"Pabayaan mo na sammy."

My brother was EXO Lay??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon