MBWEL 34

104 2 0
                                    

[EDITED]

Jhoy's POV

Kakarating lang namin dito sa school ko. Habang papunta dito ang daming kinukwento ni sehun oppa about sa school na'to. Masaya daw ang naging high school life nya dito at sobrang enjoy kasi kasama nya yung bff nya. I guess yun yung pinagseselosan ni luhan oppa, hahaha jk lang.

Ang daming mga students as expected ko na naka sibilyan silang lahat, well I was wrong. Naka uniform na sila. Nakakahiya.

Pero sabi ni kuya ayos lang kasi transferee lang naman ako dito at foreign pa.

Pagbaba na pagbaba ni Kuya at sehun oppa sa van agad na nagka gulo. Marami rin pala silang fans dito. Walang ginawa si manong kwangsun kundi pigilan ang mga fans.

Paano na ako nito?

Bumaba ako sa van at napasandal rin dahil napasama ako sa mga fans na nagkakagulo. Naitulak pa'ko dahilan para mapasandal nanaman ulit ako sa van.

My back hurts.

Agad na napa tingin sakin si Kuya pero di sya maka alis dahil sa mga fans ganun din si sehun oppa.

Hala anong gagawin ko?

"Wait, wait. Later okay?" - sehun oppa said

"Thank you. Just a moment, please." - kuya

Naku buti nalang wala dito si kyungsoo oppa kung hindi, naku magagalit nanaman yun. Ang wa wild kasi ng mga fans dito haha

Maya maya ay dumating na rin ang mga security guard na inawat ang mga fans at nag escourt kila kuya papunta sa office ng principal at eto ako naiwan.

Di na nila ako nabalikan kasi sobrang bilis ng mga pangyayari, pero naririnig ko yung tawag sakin ni kuya kaso di nga ako makalapit dahil sa mga fans.

Naiwan akong nakatayo dito sa gilid ng van.

"Duh? Bat' di sya umaalis dun? Sasaeng ba sya?" - narinig kong sabi ng isang babae na studyante sa kasamahan nya.

Duh!! Kapatid ako ni Lay noh!!!!

Ugrrrh!

Nadumihan pa ang dollshoes ko, tss

"Jhoy?" Narinig kong sabi ng isang familiar na boses. Lumingap ako para tignan yun.

"Sammy?" Sabi ko at lumapit sya sakin

"Natatandaan mo'ko! Ay hehe sorry. Uhm mag isa ka lang?" Sabi nya ng makarating sa harapan ko

"Oo naman noh, haha inaad mo pa'ko sa fb. Nga pala, dito ka nag aaral?" - naka uniform kasi sya

"Uhm oo. Nabigyan ako ng scholarship ng school na'to dahil sa pagiging sales lady ko sa shop. High school graduate lang kasi ako nung mag abroad ako dito sa korea."

"Wow, maganda yun ah? Congrats nga pala! So you mean na grade 11 ka na din?"

"Haha thank you. Uhm oo. By the way bat' di ka naka uniform?"

"Ah, eh akala ko kasi kagaya sa pinas na kapag first day naka sibilyan haha."

"Hahaha, iba talaga dito. Ngayon alam mo na?"

"Haha oo, nga pala alam mo na yung section mo?" I ask at kinuha ang bag ko sa van

"Oh! Ang liit din ng bag mo!" She said while pointing my sling bag. "Ay sorry, anyways 11 - A ang section ko. Ikaw?"

"Ah diko pa alam eh."

"Ikaw lang ba mag isa?"

Magsasalita na sana ako ng makita kong pabalik si manong kwansun

My brother was EXO Lay??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon