Fourteenth Hue

21 5 0
                                    


Fourteenth Hue

Dahil sa katangahang pagligo kahit hindi pa magaling ay pumalo nanaman sa 38° ang temperatura niya mga kaibigan.

Napairap ako kasabay ng paghikab. It's 1 am already. Nasa kalagitnaan ako ng masarap na pagtulog ko ng may marinig akong umuungol. Noong una ay akala ko parte lang ng panaginip ko but when that voice started calling my name, my eyes immediately flew open. Abruptly, I stood up and went right straight towards his room. On that, I found him, lying, being so helpless while pleadingly looking at me.

"P-pakipatay yung AC please." Halos mamatay niya ng sinabi. Balot na balot na siya ng comforter at nakapamaluktot pa pero hindi pa rin ata napapawi non yung lamig na nararamdaman niya.

Napailing ako at tinungo nga yung appliance na iyon. I shut it off then I walked beside his bed. I sat gently and put my palm above his forehead at mabilis pa ata sa alas kwatro kong nailayo yung kamay ko. Nagising ang buong diwa ko habang tinitingnan siya.

"Walanghiya ka, sobrang init mo!" Singhal ko sa kanya. Hindi naman ako galit sa lagay na iyan pero medyo nag-aalala kasi ako kaya medyo intense ang dating. Tapos ang magaling na tanga ay tiningnan lang ako. Hapong-hapo ang itsura niya and all I could do is feel pity towards him.

"Tingnan mo na? Kung hindi ka ba naman talaga..." I refrain myself from saying any harsh words. This is not the right time for me to scold him, mukha kasing anytime ay mag-aagaw buhay na siya.

Napailing ako.

"Wait for me here. Kukuha ako ng palanggana." Sabi ko at iniwan na siya. I went to his kitchen to get a glass of water tapos ay kumuha na rin ako ng gamot. Matapos iyon ay kumuha na ko ng palanggana at towel na ipampupunas ko sa kanya bago ako bumalik sa kwarto.

Kung hindi ba naman kasi saksakan ng ano ang isang ito! Masyadong pa-strong kasi, weak naman. Tapos wala pang abs!

I rolled my eyes inwardly. Wala, hindi ko alam kung bakit yung non-existent abs ang napagdiskitahan kong ipang-asar sa kanya. Maybe because I can't see anything wrong with him but that. Wala naman kasi akong maipintas sa mukha ng lalaking iyon. Feeling ko nga anime character siya or fallen angel or greek god na hindi lang naisulat sa mythologies. Ayoko mang aminin, ang perfect niya talaga. Perfect to the point that I think he's unreal. Yung mukha kasi niya walang pores, ako na lang ang nahihiya dahil mas makinis pa ang mukha niya sakin.

At talagang ngayon ko pa naisipang purihin ang mga iyon ano? Muli akong napairap at pumasok sa kwarto.

I saw him shivering under his comforter at kahit ayaw ko ay naawa ako. Nakakainis naman kasi siya, akala mo hindi pa nagkakasakit at hindi alam ang mga ganoong bagay!

I sighed at that. There's no point in blaming him. Nangyari na kasi, kaya naman marahan ko lang na inilapag ang palanggana sa bedside table tapos ay umupo ako sa kama. Pinigaan ko ang towel at marahan kong pinahiran ang mukha niya.

Dumilat naman siya at tiningnan ako. When our eyes met, I immediately regret looking back at him. Sobrang helpless kasi ng itsura niya ngayon, kung kanina ay helpless na ngayon ay mas sumobra pa ata.

Inilublob ko ulit yung towel tapos ay binalingan ko.

"Umupo ka muna. Uminom ka ng gamot." Sabi ko sa kanya tapos ay tinulungan siyang umupo. Ako na ang humawak ng baso at nagbigay sa kanya ng gamot para wala ng mangyari pa. Matapos iyon ay pinahiga ko ulit siya. Pinigaan ko ulit ang towel at pinunasan ang magkabilang braso niya tapos ay inilublob ko ulit iyon sa tubig at pinigaan bago ipatong sa noo niya.

I rested my palm just above the towel. Looking at him in the mere darkness, I saw how his eyes shone in regrets.

"I'm sorry." He said. Halata sa kanyang nahihirapan siya pero halata rin ang kahihiyang nararamdaman. Napailing na lang ako.

The Lady in Abstract PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon