Twenty Ninth Hue

29 6 0
                                    


Twenty Ninth Hue

Vios chose to take me home after. Iyon nga lang ay hanggang sa labas lang ng bahay dahil tumawag ang pinsan niya, mukhang pinapupunta siya sa kung saan. Napangiti pa nga ko nang mag-sorry siya dahil hindi niya ko makakasama sa bahay.

"You don't have to apologize. Hindi mo naman ako responsibilidad, ano ba?" Sinamahan ko nang bahagyang paghampas iyon sa braso niya habang tumatawa.

But on the deepest part of my heart, I know, I'm suddenly saddened by that. Hindi naman sa umaasa na ko ng sobra kay Vios. I just don't wanna be alone now. Which is strange, I think. Hindi ko kasi alam kung bakit naramdaman kong kailangan ko ng makakasama ngayon, gayong hindi naman ako talaga ganoon.

Vios pinched my nose hastily. Bahagya akong natauhan ngunit bago pa man makahuma ay nginitian niya na ko.

"You'll be fine." The assurance in his voice made me believe that I will be. Kahit na alam ko naman sa kaibuturan kong maliit ang possibility ay parang nais kobg maniwala.

Sighing, I went out of his car. Naglakad ako papunta sa gate, balak na sanang pumasok, ngunit ay natigil ako nang tawagin niya ko. Nilingon ko siya. Nakita kong nakababa na ang window ng sasakyan niya.

"I'll be with you later." That sounds like a promise. A promise, I would like to hold onto.

Tumango ako.

"I'll see you later." I said, smiling wryly, before I turned my back on him. Tahimik akong naglakad papasok sa apartment para lamang matigilan.

Naisip kong nananaginip lamang ako dahil nakita ko ang mga kaibigan ko sa loob.

Jeanie was sitting on the couch, a bowl of popcorn is on her lap. Tin, on the other hand, was setting the table. Napakunot ang noo ko. Magtatanong na sana kaya lamang ay naiwang nakaawang ang labi ko nang magsalubong ang tingin namin ni Irene, may hawak siyang bowl na may lamang, spaghetti sauce?

"What are-"

"Hey Lys babe!" Irene greeted happily, putting up a bright smile, making me confused.

Hindi sa ayaw ko siyang makita. Kaya lamang ay alam ko rin namang hindi kami maayos na dalawa, or maybe we were? Nagkaroon ba ko ng temporary memory loss? Gusto ko pa sanang isipin ang mga bagay na nangyari sa mga nakaraang araw kaya lamang ay bumaling na rin sakin sina Tin at Jeanie.

"Achlys-ssi!" Tin said happily then she went to me, crashing herself unto me, giving me a warm tight hug.

Nagulat man ay hindi ko maiwasang makaramdam nang kasiyahan sa ginawa niya. Maya-maya pa ay kumalas siya at pinakatitigan ako.

"Ganda mo ngayon beb." Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko iyon.

Seriously, being Tin's friend is one of the best thing someone with low self esteem could ever do. Sigurado kasing hindi bababa ang self-esteem mo kung araw-araw mo siyang kasama. She'll always go around saying how much you look great today, kahit na hindi mo iyon nakikita sa sarili mo. I wanna think she's not meant whatever she's saying, but the sincerity in her eyes couldn't lie.

"Akala mo hindi ka maganda kung makapuri ka." I nudged at her na sinegunadahan naman ni Jen.

"Kaya niya nga sinasabi iyon, para maibalik sa kanya." Pang-aasar niya na nakaani naman nang pang-asar ring tugon ni Tin.

"Sus porket hindi kita nasabihan ng maganda ngayon ha?" Natawa ako sa kulitan nila at naglakad palapit kay Irene, na ngayon ay inilalagay na ang bowl na hawak sa mesa.

Nang makalapit ako ay tiningnan niya ko, with a bright warm smile, she said.

"Gutom ka na ba? Dini-drain na lang ni Rara ang pasta." Parang gusto kong maiyak nang marinig ang lambing sa boses niya.

The Lady in Abstract PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon