Pretend.

51 4 0
                                    

     “OMG. Friend bago na syang girl na kasama o. Mukang may nililigawan na syang iba. E diba wala pang one month simula nung nag break kayo ? Kasyado naman pala nya. Diba dapat 3 months muna ?”

            Eto na naman ang makulit na Bestfriend  ng ating bida. Lagi nalang syang nangungulit tungkol sa naging boyfriend o Ex ni Samatha Rein Reyes o mas kilala sa nickname nyang Sam. Pero ang hindi alam ni Keylie, na sa bawat pag kukwento niya kay Sam tungkol rito ay mas lalo itong nasasaktan.

            Ngunit hindi nya ito pinapahalata kahit kanino dahil ayaw nyang ipakita sa ibang tao na nasaktan sya noong nagbreak sila ng Ex-boyfriend nya. Ayaw din nya na makita ng ibang tao na mahina sya. Kaya’t lagi nyang pinipilit na maging masaya para ipamukha sa naging boyfriend nya na wala na siyang pakialam rito at hindi siya nasaktan sa mga ginawa nitong panloloko sa kanya.

            “E ano naman kung kasama syang iba ? Na may nililigawan na siya aa ? Single na sya. He can do whatever he want. Wala ng pipigil sa kanya. Saka isa pa, wala nakong pakialam no ? Magsama silang dalawa ng nililigawan nya.”

            Bongga ang bida ng story no ? Bitter e. Pagsensyahan na ho. Katulad nga ng sinabi ko kanina. Hindi nya lang pinapahalata na nasasaktan sya. Pero alam niya sa sarili nya na mahal parin nya ang kanyang Ex-boyfriend. Ang bitter nya no ? Masyado na kaseng syang nasasaktan e, kaya nya lang siguro nasasabi yun.

            Napakalaking epekto sa kanya yun break-up nila. Bumaba yung grades nya. From top 2 naging 15 nalang sya. May mga bumagsak syang tests specially yung Periodical test nila. Dahil hindi siya nakapag-review ng mabuti kakaisip kay Nathan (Nathaniel Tan yan yung full name ng Former/Ex nya ). Lagi nalang syang tulala. Wala siyang ibang kinakausap kundi yung bestfriend nyang si Jade Keylie Morinne.

            Gigising sa umaga, papasok sa school, uuwi sa bahay nila, matutulog. Halos araw-araw sa buhay nya puro ganun lang ang nangyayari simula nung nag break sila.

            Kung iisipin nyo mukha na syang nerd diba ? Kulang nalang magsuot sya ng glasses para makumpleto na yung pagiging nerd nya ? Puro school nalang ang inaatupag nya. Lagi siyang nakakulong sa kwarto tapos nagbabasa. Nagbabasa ng ano ? Ng mga sulat sa kanya ni Nathan.

            Mga sulat na syang patuloy na nagpapaalala ng mga memories nilang dalawa. Kung gaano sila kasaya dati nung silang dalawa pa. Mga sulat na syang patuloy na nagpapaasa sa kanya na magiging maayos pa ang lahat sa kanilang dalawa. Na magkakabalikan sila. Na magiging masaya ulet sila. Na mamahalin sya ulet ni Nathan kagaya ng dati. Na matutupad lahat ng pangako na binitawan nilang dalawa sa isat isa. Na sila na yung magsasama hanggang sa huling oras ng buhay nila. Na matutupad lahat ng mga pangarap na ginawa nila para sa isat isa.

            Kaso hindi e. Lahat ng mga bagay na naiisip nya mukhang malabo ng mangyari. Lahat ng mga ginagawa nya ngayon, yun pa yung nagpapahirap sa kanya para makapag move-on e.

            Yung umaasa parin sya sa wala, sa mga bagay na malabo na talagang mangyari. Ito yung mga bagay na patuloy na pumipigil sa kanya para makalimutan na lahat ng mga bagay na may kinalaman sa past nya.

            Pero higit kay Keylie may bagay pa na mas nakakakilala sa kanya. At yun ay ang gitara nya. Medyo weird no ? Pero seryoso, ito talaga yung bagay na lagi nyang kasama. Lagi nya tong dala dala kahit saan sya magpunta. Ito lang kasi yung bagay na alam nyang makakapagpasaya sa kanya kahit saglit lang.

            Kahit ilang minuto lang sa isang araw. Basta sumaya sya, basta makalimutan lang nya yung sakit na nararamdaman nya kahit saglit lang. Sa ilang minuto nyang pagtugtog sa gitara nya. Nagagawa nyang makalimutan lahat ng pait, lungkot at sakit na nararamdaman nya.

            Umabot pa nga sa oras na kinausap na nya ito at ikinuwento lahat ng mga naranasan nya. Lahat ng pangyayari na naging daan upang mas maging matatag siyang tao. Dahil ang pakiramdam nya nag iisa lang sya. Na walang nakakaintindi sa kanya. Na walang tao na kailanman na magta-tiyagang makinig sa mga problema nya. Sa mga naranasan na nyang mga pagsisisi sa buhay. Yung mga desisyong pinagsisihan nya ng lubos. Na nagdulot lamang sa kanya ng mga paghihirap. Mga pagkakamaling hindi na maitutuwid ng kahit na sinuman.

***

A/N: Meet her bestfriend. :) >>>>

#Paris <3

Decisions...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon