YES?!

24 4 0
                                    

   “Nathan. May sasabihin ako sayo. Tulungan mo naman ako, please ? Nawawala kase yung yellow paper ko e. Kanina lang andito yun e. Umalis lang ako saglit tapos pagbalik ko wala na sa desk  ko.” sabi ni Sam.

            “Hay nako. Ikaw talaga kahit kalian ka. Hmmm. San mo ba kase nilagay yun aa ? kanina pa ko hanap ng hanap, parang wala naman na dito sa room e.” sagot naman ni Nathan sa kanya na parang wala ng bukas kung makapaghanap ng yellow paper.

            “E ? Hanapin mo andyan lang yun. Sana.”

            “Ayuuuun ! Ano ba kase yung nakalagay dito aa ? mukhang napakaimportante naman.” Sabay bukas ni Nathan sa yellow paper na hawak hawak nya.

Dear my Nathan,

          Antagal mo na din palang nanliligaw no ? Haha. Di ko na namalayan. 2 months na din pala yung nakalipas simula nung tinanong mo ko dun sa may mini garden malapit sa gym. Haha. May sasabihin nga pala ko sayo. Sa totoo lng matagal na din akong may gusto sayo, hindi ko lang talaga masabi sayo e. Kase natatakot ako. Hmm. Sorry aa ? Salamat sa pagsama sakin lagi. Sa paghatid at sundo. Sa paghihintay saken. Sa pagsabay saking mag-lunch. Sa pagtuturo sakin na maggitara saka sa pagdadala nun. Haha. Basta salamat sa lahat lahat.

Iloveyou Nathaniel Tan. From now on I will be your girlfriend, Forever. <3

                                                                             Love,

                                                                                      Your Sam.

            Dito nagsimula ang lahat. Lahat ng mga masasayang bagay na nagbigay kulay sa buhay ni Sam na noo’y hindi man lang nakaranas ng pagpapahalaga sa mga taong nakakasama nya araw araw, na mismong mga magulang nya ay hindi man lang siya naasikaso.

            Dito din nagsimula ang pagiging masayahin nya, kay Nathan nya naramdaman na hindi sya nag-iisa, na may tao parin na nagmamahal sa kanya kahit simple lang sya. Ang pakiramdam ng pagiging kumpleto, na mayroon na syang isang mabait at masiyahing bestfriend na si Keylie at ng isang mapagmahal at maalaga nyang boyfriend na si Nathan.

            "Sam. Totoo ba lahat ng nakasulat dito ? Hindi ako makapaniwalang tayo na, na sasagutin mo ko. Maraming salamat Sam. Di mo alam kung gaano mo ko pinasaya."sabi ni Nathan na halos walang pagsidlan ng tuwa dahil sa pagpayag ni Sam na maging girlfriend nya.

            "Haha. Oo naman totoo lahat ng nakasulat dyan. Mukhang di ka ata naniniwala saken e. Hmm. Ganyan ka aa."

            "Syempre. Naniniwala naman ako. Hmmm. Di lang talaga ko makapaniwala na magiging girlfriend ko na yun bestfriend ko. Haha.Iloveyou Sam."

            "Iloveyou din Nathan."

            "Hmm. Tara hatid na kita senyo ? Baka mapagalitan na tayo ni Tita, dumidilim na din o ? Saka baka abutan tayo ng ulan. Magkasakit kapa."

            "Osige. Tara na. Haha. Ayos lang naman siguro kay Mama ikaw naman kasama ko e. Di ako papagalitan nun."

            At naglakad na silang dalawa pauwi sa bahay nila Sam habang nag-uusap tungkol sa iba't ibang bagay. Hanggang makarating na sila sa bahay nila Sam at nagpaalam sa isa't isa.

***

            "Nathan. May tatanong lang sana ko sayo. Nung mga araw na magbestfriend pa tayo. Nung matagal hindi pumasok sa school ? Ano ba kasi yung nangyari sayo noon aa ? Kase nung isa sa mga araw na yun, napadaan ako sa bahay nyo, nakita nalang kita nakahiga kana sa garden nyo tas yung Mama mo iyak ng iyak."Tanong ni Sam kay Nathan habang naglilibot silang dalawa sa park kung saan malapit lamang sa bahay nila.

            "Ay yun ba ? Hmm. Wala lang yun Sam. Wag kang mag alala saken, hinimatay lang ako nun. Tapos nung nakita mo ko nun na nakahiga sa garden namin, agad naman akong dinila nila Mama sa ospital. Don't worry. I'm ok Sam. Kaw talaga masyado kang maalalahanin."

            Lumipas ang mga buwan. Naging isang masaya at matatag na magkasintahan sina Sam at Nathan. Sa mga panahong ito, naging masaya sila sa isa't isa. Magkasama sa masaya man o malungkot na mga pangyayari. Nagtagal ang kanilang relasyon ng 9 na buwan.Antagal diba ? Ngunit ang lahat ng mga bagay na pinagsamahan nila ay mauuwi lang lahat sa wala. Sa isang iglap masisira lahat ng mga pangako nila.

June 2013

            Nag iba na ang pakikitungo ni Nathan kay Sam. Hindi na nya ito pinapansin sa klase. Tuwing magkakasalubong sila sa may corridor ay hindi man lang siya nililingon ni Nathan. At madalas na nya itong nakikitang may kasamang iba ngunit hindi nya ito pinapansin dahil patuloy parin syang naniniwala na mahal sya ni Nathan.          

             Hanggang sa isang araw ay nangyari na ang kinatatakutang mangyari ni Samantha.

          "Sam ayoko na. Masyado nakong nahihirapan. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Pero mas mabuting ng malaman mo yung totoo. Hindi na kita mahal Sam."

            "Ganon lang ba yun aa ? Lahat ng mga pinagsamahan naten baliwala nalang. Nathan alam nating dalawa na mahal natin ang isa't isa." sagot ni Sam habang umiiyak.

            "Sam. Oo mahal kita. Pero dati yun. Bago pa makilala si Ella. Alam ko na hindi to madali para saken pero kung ipagpapatuloy pa natin to, mas masasaktan ka lang ng dahil saken."

            "Kailan pa ? Hmmm. Sana pala hindi na tayo nauwi sa ganito. Sana hindi na kita nakilala. Sana di na kita naging kaibigan. Sana di ko na ginawa ang lahat ng yon. Kung alam kong ganito lang naman pala ang mangyayari." Sabay takbo ni Samantha palayo sa taong pinakaminahal at pinagkatiwalaan nya.

            "Samantha. Sorry." Pabulong na sabi ni Nathan habang nakikita niyang papalayo si Sam.

***

        

Decisions...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon