Chapter 4: Show Down

38 4 8
                                    

Zyrah's POV

"Hello new classmates.." pagbati nya habang..

Habang..

Habang nakatingin sa mga mata ko at nakangisi.

'Uh-oh this is war..'

Nginisian ko nalang sya pabalik. Isang NAKAKALOKONG ngise.

*Ngiseee*

Hindi ko matagalan yung tingin ko sakanya dahil sa kuryenteng nag uugnay sa mga tingin namen. Pero di ako nagpatinag.

'Hindi nako yung Zyrah na kilala mo..'

"Please introduce yourself Ms. Castro.." nakangiting singit ni Ser kaya naman napaiwas sya ng tingin saken at nginitian din si Ser.

"Tss." naisinghal ko nalang.

"Good morning everyone! My name is Lorraine Jasmine Castro, a transferee. I hope to be friends with youu!" masayang aniya sabay flying kiss pa saka sya tumingin saken at nginisian ulit ako.

"You may take your seat Lorraine." nakangiti pa ring sabi ni Ser. At kamalas malasang wala pakong katabe kaya naman nung nasipat ni Ser yung upuan na yun nagliwanag ang mga eyeballs nya saka nagsalita ulet. "You may seat beside Ms. Fernandez." dagdag pa ni Ser pero nanatili akong walang reaksyon kahit sa loob loob ko gusto ko ng sumigaw dahil ayoko syang katabeeee!

"It's nice seeing you again Zy." nakangising sabi ni Bruhang Lorraine pagkaupo nya sa tabi ko.

"Mm." walang ganang tugon ko nalang.

"Class. I hope you'll welcome Ms. Castro as your new classmate. Please be nice to her okay?" nakangiti pa ring ani Ser.

"Yeeeessss Seeeeerrrr!!" sigaw ng buong klase. Syempre pwera saken tss.

"Okay. I'm here to announce that you'll not be having your Filipino class----" naputol yung sinasabi ni Ser nung..

"YEAAAAAHHHH!!!"

"WOOOOOAAAHHHH!!"

"WAAAAAAAAHHHHH!!!!!!"

"NICEEEEE!!!!"

...nung nagdiwang yung buong klase.

"Hep! Hep! Hep!" pag pigil ni Ser sa ingay namen. "Let me finish first okay?!" may bahid na inis na sabi pa ni Ser kaya naman natahimik yung buong klase. "You'll not be having your Filipino class because we will be having our Election of Class Officers." mahinahon ng sabi ni Ser. Kaya naman nadismaya yung buong klase. "Okay so let's start right away. Any nomination for President?" pagtatanong ni Ser habang nakataas ang kamay. Nakita ko ang kamay ni Emerald na nakataas at natitiyak kong si Chandler yung i nonominate nya. "Yes Emerald?" pagtawag nya dito.

"I nominate Chandler Cordova for Class President." seryosong sabi ni Ems habang sumulyap sa gawin namin.

"Okay. Any nominations?" pagtatanong ulit ni Ser pagkatapos isulat sa black board yung name ni Cha. At nabigla nalang ako nung itaas ni Lorraine yung kamay nyaaa. "Yes Lorraine?" pagtawag ni Ser sakanya.

"I nominate myself as a candidate for the position of Class President, Sir." seryosong sabi nya habang nakatayo at nakataas pa rin yung kamay na animong nanunumpa sa Watawat ng Pilipinas. Basta yon yung aabot lang sa ulo nya yung kamay.

'Tss. Pati ba naman si Chandler kinakalaban? Unbelievable..'

Isinulat naman ni Ser yung pangalan nya sa board. At mula sa kinauupuan ko nakikita kong masamang sinulyapan ni Ems si Lorraine habang si Cha naman nag titimpi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bitter Sweet MEWhere stories live. Discover now