chapter 2

28 0 0
                                    

AN: Dat kanina pa to. Biglang nagloko yung desktop ee. So, I'll make it up to you na every night, maguupdate ako :)

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa kumakatok sa kwarto ko. Malamang si Des  nanaman to o kaya si Mama. Ayoko sa lahat yung sobra kung kumatok ee. Tumayo nako at nagpunta sa pinto, walang pakielam kung ano ang itsura ko.

'Ano ba yun? Mamaya pang 1pm ang klase ko!' sabi ko nang nakapikit ang isa kong mata.

'Yuck Ez, ang gross gross mo! Bilis magpalit ka na sa banyo, then bumaba ka na after, ASAP ha? May announcement si Titams :)' sagot niya at biglang umalis sa harap ko.

Uggh! Nakakainis talaga. Wala na kong magawa dahil si Mama na nagsabi. Kaya pumunta nako sa CR.

------

'Buti naman at bumaba ka na sa kweba mong Library' grabe, ang aga aga umaarangkada ang boses ni Mama.

'Yan kase, siguro hindi nakatulog kase seatmate niya si Lorelei' singit naman ng pinsan ko.

'Sino si Lorelei hija? :)' tanong ni Mama na nakangiti.

Why do I have this weird feeling that I know what's gonna happen next?! Uggh. Desteen Riley, isusumpa talaga kita!

'Bestfriend ko po Titams' si Des

'Ah yung kasama mo last month sa Canada? si Mama

'Yap Titams, may appointment kase yun dun kaya sinamahan ko na :)' sagot naman ni Des.

'Ano ba yun Ma?' pag interrupt ko. Nakakainis kasi ee, pinagising ako ng maaga tapos sila lang pala ang magdadaldalan.

Tiningnan ako ng seryoso ni Mama. So I guess it's a really really serious matter.

'Irerenovate kasi tong bahay natin, dahil uuwi sila Lola at Lolo at mga tita's and tito's mo. Dito sila titira. Maliit lang to kumpara sa laki ng pamilya natin. Ang problema, saan kayo tutuloy ni Riley. Kasi may studies kayo, di ko kayo masasama sa Canada' paliwanag ni Mama.

'Wait, what? O.O' hindi ako sanay sa ibang bahay dahil namamahay ako.

'Titams I have an idea :)'

Oh no! Ayoko ng ganto ee. Alam ko masamang ideya to pag si Des ang nagisip o nagsuggest.

'What is it?' tanong namin ni Mama.

'Kay Lorelei titams. May apartment siya na malaki. And magisa lang siya dun. Tka mabait naman yun. Di yun magulo. Malinis at organized pa. :)'

May ganun pa bang babae? Magisa? Malinis? Organized? Pero hindi halata sa mukha nya. Don't get me wrong. Maganda siya. Kung pagandahan, walang wala si Des. Sadyang pala-ayos lang tong bruhildang to. Ewan ko lang. Hindi ko pa naman sha nakakasama. 

'Good, okay na yun. So it's settled na. :) Alis nako. Takecare son and Des' paalam ni Mama.

'I'm so eggzoited Ez :)' nangasar pa talaga to.

Bahala siya sa buhay niya. Nakakaasar! Hays. Sana lang maging okay ang lahat. Dahil ung hindi, mapapatay ko to.

Naghanda nako para pumasok. Nagatagl ako sa CR habang naliligo. Pampatagal ng inis. Pag si Mama talaga ang nagsalita, wala nakong angal. Siguro dahil napaka fragile niya, and alam ko na pag sinuway ko sha, magiiba ang tingin niya sakin, katulad ng tingin niya kay papa. Mahal ko lang talaga si Mama :)

___

Papunta nako sa subject ko. Naka eye glasses ako, ayoko talaga ng walang eye glasses. Baka bigla akong matapilok. Mas okay na to para safe.

Pag pasok ko, andun na agad siya. Ang aga naman nito.

Umupo nako at inapproach ko na siya.

'Uh, Hi :)' nginitian ko sha gamit ang killer smile ko. Aba, madaming humihiling na nginitian ko sila noh. Swerte lang talaga to, bestfriend ng best cousin ko.

'Hi' ang cold. Ni wala man lang ngiti o yung 'nice to meet you thingy na yun. Tao pa ba tlaga to? At bestfriend ba talaga to ni Des?

Isa lang ang subject ko ngaun. Perks of being irregular, sayang ang isang araw dahil kundi isang subject lang o kaya dalawa lang  -__-. Though maganda naman ang facilities nila.

Uwian na, pagkalabas ko nasa gate si Des.

'Sasabay ka ba? Tara na!' sabi ko sakanya.

'Hindi Ez. Hinihintay ko si Lorelei, pupunta ako sa apartment niya ee. Magoovernight ako dun, gusto mo sama ka?' tanong nya sakin.

Ako? Huh!

'Babae kayo tas sasama niyo ko?'

'Chill men! :) haha.

EHEM.

bigla akong napatingin sa likuran ko. Bat parang nagiba ang itsura ng mukha niya? Bat parang napaka-amo na ngayon?

'Hi Lori. Pinsan ko si Ezra Garcia, Ez si Lorelei Alte :))' pakilala niya sakin.

'Hi Ezra :) nice to meet you. tara na besh!

'Osge besh, bye Ez :) text you later'.

Now what was that?-__-

Makauwe na nga lang.

AN: Nagtagpo na sila :) abanagan ang ibang chapters :) suggestion lang at comments. Open ako for that. Takecare :)

Inside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon