Chapter 3

135 5 0
                                    



"SH*T!" napasigaw ako sa gulat kasi late na ako sa klase ko.

Agad akong nagasikaso at bumyahe pa school andami ng missed call ni Karlie lagot na.. may 15 minutes pa naman ako a. tssss

Sa back gate ako lagi nadaan mas malapit at less hassle.

Pero pagpasok ko ng room nagmimeeting lang pala sila hayyy. Nandun sila halso sa unahan, Block section kami pero may ilang mga irregular. Hindi ko masasabi sa inyo kasi makalimutin talaga ako.

"Oh ayan na pala yung Beauty Queen niyo e" imik ni Mika, inaano ko na naman ba sila ? tschh

"BESHIE!!!" tatakabo at yakap naman ni Karlie,

"Beshie, kasi next week kasi ano-o" nagkamot siya ng ulo at nauutal "di ba sabi mo last year nung ikaw na yung ilalaban sa MS. CBA ayaw mo baka next year pwede na?" yumuko siya "ano-o kasi wala kaming ibang maisip na pede bukod sayo-o baka naman ano-o" Umupo na ko sa upuan ko "Ayoko" malungkot siyang tumalikod at bumalik sa blackboard.kunware naglagay ako ng headset at nagpatugtog. "sabi sa inyo, hindi yan papayag" malungkot niyang sabi sa mga tao don.

"Oh, akala ko ba maganda siya? Sayang naman ang ganda, yun na nga lang meron siya hindi pa niya gagamitin" sabi ni Mika.

Actually si Mika lang naman nakakaganyan sakin e, at sobrang long story to tell.

"Frenny, tama na" awat ni Karlie

"Eh Mika, Sino na lang ilalaban natin sayang naman yung fund na makukuha ng class natin non, bakit kasi need na per class ang participant, sana per year na lang" tanong naman nung isang babae, si Josephine ata to.

"Eh di ba nga bestfriend mo yan Karlie, edi kausapin mo siya" sabi ni Mika. Medyo namumuro na to sakin pero ayoko naman na patulan pa siya. "Sige na try ko na lang mamaya" sabi ni ni Karlie.

"bakit ayaw mo?" tumalon naman bigla yung puso ko sa katabi ko..

"b-bakit ka nasa tabi ko?" nauutal pa ko kasi, siya lang naglakas loob na tumabi skain sa room "hmm, may dalwa kasing ireg dun sila sa dulo umupo kaya nagmove, teka wag mo nga ibahin ang usapan" ang kulit naman ng mokong na to. "a-ano, wag mo na lang akong kausapin pwede? H-hindi kasi ako sanay" tapos tumawa siya.. ramdam kong napatingin si Mika. "may bago na naman siya lalandiin, si Jason naman ngayon tssss" sabi nito.

"allergic ka ba talaga sa tao? E bakit si karlie nakakalapit sayo?" tanong niya at medyo nakakahinga na ko, kailangan kong maging kalmado "wala kang pake" pagtataray ko sa kanya

"alam mo ang ganda mo, ang ganda ng mga mata mo, yung katawan mo, hindi payat hindi mataba, tama naman ang tangkad mo. Sumali ka na sa MS. CBA, feeling ko malakas ang chance mo don, plus buong section pa natin ang makikinabang at additional grades pa" paganyaya niya.

Medyo namula ako sa compliments, kung nandito lang si Evo alam kong sasabihin din niya yun sakin pero ayaw niya na sumali ako don kasi may swimsuit, ayaw niya na makita ng madami yung katawan ko, kaya pinilit kong tanggihan yung last year.. ramdam kong natulala ako at kinalabit na naman ako ni Jason "sayang pala last year hindi ka lumaban, wala tuloy award yung section niyo" nakatingin lang ako sa kanya.. "May boyfriend ka ba?" tanong niya.

Nanlaki yung mata ko "pano siya magkakaboyfriend e bugaw yan" mataray na sagot ni Mika, nasa tabi na pala siya ulit ni Jason. Somehow gusto kong mag thank you dahil no need to answer jason's query, pero at the same time masakit pa din kahit sanay na kong masabihan ng ganyan.

Sex Slave for Sale ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon