Clarence's POV
- Continuation of flashback
Pagkauwi sa bahay hinanap ko kaagad ang pangalan niya sa fb.
Hindi din nagtagal at nakita ko din
Add friend *click*
Angelica De Leon accepted your friend request
Yowwwn! Yessss!
Chinat ko kaagad siya
"Hi, thank you sa pag accept"
"You're welcome"
"Pwedeng makipag kaibigan?"
"Uhm, sige"
"May boyfriend kaba?"
"Wala"
Hanggang sa humaba ng humaba yung pinaguusapan namin tapos naging magkaibigan na kami
After 3 weeks
Magkikita kaming dalawa ngayon, may usapan kasi kami ngayon na manonood ng sine, idol niya daw kasi yung bida.
Pumayag na ako na manood, Kasi wala daw siyang kasama tapos chance ko na din yon para makasama siya.
Habang naghihintay ako, nakatanggap ako ng text kay Kim, samahan ko daw siya ngayon mag shopping.
"Aeron, samahan mo ako mag shopping" Sabi ni Kim
"Sorry Kim, may lakad ako ngayon eh" Sabi ko first time kong hindi sasamahan ang bestfriend ko
"Ah ganon ba sige" sagot niya
Sigurado akong magtatampo to, pero hayaan kona, di naman ako matitiis non eh
Dumating na si Angelica naka dress siya ngayon ang ganda talaga niya mukha siyang anghel
"Hi, sorry na late ako" sabi niya habang inaayos yung buhok niya
"Okay lang" Sabi ko
"Tara na?" Aya niya sakin
"Sige" tapos hinawakan ko yung kamay niya pinabayaan naman niya na hawakan ang kamay niya
Nakapila na kami para mamili ng ticket tapos parang nakita ko si Kim na naglalakad magisa.
Naalala ko nagpapasama nga pala siya.
"Angelica, saglit lang ha?" Sabi ko sa kanya
"Ha? Bakit Clarence?" tanong Niya sakin
"May pupuntahan lang ako" Sabi ko
"Wag na malapit na oh" sabi niya tapos kumapit sa braso ko
"Osige na nga" sagot ko pero tinitignan ko pa din kung saan ko nakita si Kim
Pagpasok namin sa sinehan humanap na kami ng pwesto ni Angelica, dito namin napili sa may medyo likod.
Masakit kasi masyado sa mata kapag malapit sa screen.
Kumain siya ngayon ng popcorn, tapos nakatingin ako sa kanya
"Gusto mo?" alok niya umiling naman ako
Natutuwa ako sa kanya kasi siya kumakain ng popcorn si Kim kasi hindi, maselan kasi yon sa pagkain.
YOU ARE READING
KABABATA
Teen FictionTatlong magkakaibigan. Ngunit nahiwalay ang isa. Mahal mo ang isa, ngunit may mahal itong iba. Mahal ka na niya, ngunit mahal mo na ang isa. Mahirap mamili dahil parehas mo silang KABABATA. Ngunit, sino ang pipiliin mo? Ang NOON? o Ang NGAYON?