Chapter 4:

43 3 2
                                    

Nicolai's POV

Humarap ulit ako sa mga babaeng akala mo napaka babait at napakalilinis

"Alam niyo mga ateng? Try niyo kayang humarap sa salamin para makita natin kung sino yung MALANDI? Ikaw!" turo ko sa babaeng naka short short tsaka crop top "Bakit Hindi mo tignan suot mo sa salamin? Ganyan ba? Ganyan ba suot ng isang matinong babae? Ikaw!" Turo ko sa babaeng akala mo clown sa kapal ng make up "Anong tingin mo sa sarili mo? Clown? Anong tingin mo sa Mall na ito? Comedy Bar? Dika bagay dito! Tignan mo itsura mo sa itsura ko makapanglait ka wagas at least ako walang nilalagay na kolorete sa mukha eh ikaw? Para kang Make up na tinubuan Ng mukha!" galit na sabi ko sa kanya, at umalis na sumunod naman sa akin yung mga kaibigan ko.

Grabe hiningal ako Doon ah, haba ng sinabi ko HAHAHAHAHAHA pero ayos lang natameme naman sila.

"Grabe grabe, Wala na me ma say" sabi ni Restien

"Ikaw na girl!" sabi ni Kyla

Naguusap pa yung mga kaibigan ko na may bigla nalang nagsalita at Sino paba yung unggoy lang naman..

"Anyare? Hindi ka naman dating ganyan ah? Bakit? Parang Hindi na ikaw yung KIM na kilala ko, na kaibigan ko" sabi ni clarence

Hindi ko kinaya yung sinabi niya.

Nagbago nga ba talaga ako?

Anong nangyari sakin?

Bakit ako nagkaganito?

Humarap ako sa kanya, tinignan ko ng diretso ang mga mata niya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Doon tayo magusap sa labas, huwag dito, ayaw kona ng iskandalo. Pero kung gusto mo dito edi sige dito" diretsong tanong ko sa kanya, napalunok naman siya bago sumagot.

"Sige doon tayo sa kotse sumunod ka" sabi niya at naunang maglakad sakin

Binalingan ko naman ang mga kaibigan ko.

"Mauna na kayo umuwi sakin, hindi na ako sasama may paguusapan pa kami" sinabi ko kila Jemma.

Humarap naman ako sa mga lalaking kaibigan din namin

"May dala naman siguro kayong sasakyan diba? Hatid niyo nalang sila sa mga bahay nila. Ingat kayo" sabi ko sa kanila at naglakad na papuntang parking lot.

- parking lot

Walang may gustong magsalita sa amin sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta pumasok nalang ako at sumakay sa passenger seat.

Pamilyar ako sa tinatahak na daan ng sasakyan, huminto ang sasakyan sa isang park.

"Welcome to Promise Park"

Hindi lang ito basta park para sa akin dahil ang park na ito ay isa sa sumisimbolo ng pagkakaibigan namin dalawa.

Dito kami lagi naglalaro noong mga Bata palang kami, dito din namin sinumpa sa bawat isa ang isang katagang ang hirap kalimutan.

Bumaba siya sa sasakyan kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Ang init init tapos dito ako dinala, 3 pm palang kasi ng hapon.

Umupo kami sa may damuhan sa gitna, dito kitang kita ang mga batang nagtatakbuhan, naglalaro sa slide, sa swing at marami pang iba.

Tahimik pa rin kaming dalawa para bang pinapakiramdaman ang bawat isa.

"Anong gusto mong pagusapan?" basag ko sa katahimikan

"Kim bakit? Bakit ganyan na ang ugali mo? Hindi ka naman ganyan dati diba? Bakit ka nagbago? Anong nangyari sa Kim na bestfriend ko?" tanong niya sakin nang hindi tumitingin

KABABATA Where stories live. Discover now