Chapter 8:

46 4 0
                                    

Nicolai’s POV

Pagkatapos namin kumain sa canteen, bumalik na agad kami sa room, dahil baka may iniwang gagawin ang aming mga teachers.

Hindi pa rin ako kinakausap ni Mary, kasalanan ko naman kasi eh, Ang akin lang kasi sana hindi na sila nakisabay sa iba naming kaklase, tapos yung kay Restien pa. Alam ko nagtatampo o may sama ng loob si Aeron non. HAYSS

“Nicolai, pwede ba tayong magusap? May gusto lang akong sabihin” sa aming lahat na magkakaibigan si Jemma talaga ang pinaka matured magisip kahit na napakadaldal niya

“Sige tara, don tayo sa may garden” tumango nalang siya sa akin, meron kasing garden dito sa school namin, sa may likod ng Humss Building.

Iniwan muna namin ang gagawin namin dahil tatlong araw pala kaming walang teachers at mga activities at outputs lang ang hirap iniwan sa amin. Mag ready na daw at pagusapan ang Ms. Intrams at ang mga booth para sa darating na Intramurals.

Si Kaykay sa quiz bee, si tintin sa Booth namin, si Mary at Jemma napunta naman sa Cheering Squad. Akala ko kasi ako lang ang maghihirap, lahat pala kami. Ang hirap kailangan lang naming gawin ay ang magtulungan.

Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa Garden.

“Bakit mo nga pala ako gustong makausap? Tsaka bakit hindi kasama ang iba nating kaibigan?” tanong ko sa kanya, kasi wala naman akong idea kung ano ang paguusapan namin

“Okay na kayo ni Clarence diba?” tumango naman ako sa sinabi niya “Sana wag na ulit masira ang  pagkakaibigan niyong dalawa” bakit parang iba ang dating sa akin ng sinabi niya? May alam ba si Jemma na hindi ko alam?

“Oo naman, Hinding hindi na ulit kaming magaaway na dalawa” sabi ko sa kanya kahit na medyo naguluhan ako sa sinabi niya

“By the way, ayos naba kayo ni Mary?” hindi na ako nagulat sa tanong niya kasi lagi naman siyang ganyan eh ayaw niya kasi ng nagkakatampuhan kaming magkakaibigan.

“Hayss, yun pa nga iniisip ko eh, alam ko namang  kasalanan ko eh, Hindi ko din alam kung  bakit bigla nalang akong nawala sa mood” hindi ko din maintindihan ang sarili ko eh

“Dahil ba kay Angelica?” napatingin ako bigla kay Jemma dahil sa sinabi niya

Kay Angelica? Bakit? May dapat ba akong ikainis sa kanya?

“Ha?” takang tanong ko sa kanya

“Ah wala! Ano kaba binibiro lang kita eh” pero hindi biro sa akin yun dahil alam kong may hindi ako nalalaman na alam niya

“Nicolai!” sabay kaming napatingin ni Jemma sa tumawag sa akin

“Ethan” nandito na siya sa harap ko ngayon  “Bakit?” dugtong ko pa

“Kain tayo sa canteen” aya niya sa akin, bakit ba halos lahat nalang lagi ako inaaya sa canteen?

“Ah eh” diko alam ang sasabihin ko

“Sige na sumama kana, kunyari kapa eh” si Jemma talaga kahit kailan hayss

“Sama ka sa amin Jemma” aya pa ni Ethan Kay Jemma “Pupunta din don sila Miguel eh” nakita kong nag iwas ng tingin si Jemma

Silang dalawa feeling ko gusto na nila ang isa’t isa eh pero hindi pa nag aaminan

“Anong meron?” tanong ni Jemma, oo nga anong meron at pupunta don ang mga basketball player?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KABABATA Where stories live. Discover now