The next days, iniiwasan nya ako. Hindi na nya inaalam mga ginagawa ko, malaya na kong nakikipag-inuman at wala na kong naririnig na sermon sa kanya. I tried to approach him pero nginitian nya lang ako. Nagtataka ako kung bakit bigla syang nagbago. Siguro dahil may nasabi akong hindi maganda sa kanya. Well, okay na rin to para malayo ako sa tukso, ayokong ma-fall in love, okay na rin na layuan nya ako kasi natatakot ako na baka makaramdam ako ng kakaiba para sa kanya.
That night, lasing ako non pero nakakalakad pa naman ako at medyo kaya ko pa naman nang mamataan ko si Anton sa may kabilang high way. I ignored him at naglakad na ko, pa-gewang gewang ang lakad ko non.
"Ang pasaway mo talaga kahit kailan." inalalayan nya ako para makalakad ng maayos pero napatitig lang ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" I asked him.
"Tara iuuwi na kita."
Pero pinigilan ko sya.
"Galit ka sakin diba? Hindi mo na nga ko kinakausap eh tapos tutulungan mo ko ngayon?"
"Lasing ka na Kath. Sumama ka na lang sakin para makapagpahinga ka na."
"Wag mo kong alagaan. Wag mong iparamdam sakin na mahalaga ako. Wag na wag okay? Wag na wag. Kung gusto mong makipaglandiam sakin pagbibigyan kita. Landi lang ha? Walang love. Tutal yun naman ang lagi kong ginagawa eh. Nakikipaghalikan ako sa kung kani-kanino. Ikaw? Yun lang din naman ang habol mo diba? Tara magmotel tayo tapos tigilan mo na ko ha? Layuan mo na ko parang awa mo na! Ayoko nang masaktan!" pagkatapos ay tuluyan na kong umiyak.
Wala akong narinig na kung ano mula sayo. Naramdaman ko na lang ang mga yakap mo, yakap na matagal kong hindi naramdaman sa kahit na kanino.
Hinatid nya ako hanggang sa tinutuluyan ko. Gising pa ko nun at may malay pa. Inalalayan nya kong makaupo sa kama.
"Magpahinga ka na."
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na."
"Sandali lang. Tara dito may sasabihin ako."
Lumapit sya sakin at nang makalapit sya ay agad kong hinila ang polo nya at hiniga ko sya sa kama. Umibabaw ako sa kanya at sinimulan ko syang halikan. Halatang nagulat sya sa ginawa ko.
I deepened the kiss at maya-maya ay naramdaman kong gumaganti na din sya sakin. I kissed his neck, pababa hanggang sa dibdib nya. Pero bigla syang napalikwas at lumayo sakin.
"Wag ngayon Kath. Ayokong gawin sayo yun. May respeto ako sayo."
Hindi ako nakasagot. I just looked away.
"Kung ayaw mong ingatan kita. Sana ikaw mismo, ingatan mo sarili mo." Yun lang at tuluyan na syang lumabas.
Shit. First time ko maka-encounter ng lalaking tulad nya. Yung tipong andun na eh. Pero pinigilan nya ako. He respects me. Gosh! Is it true? May lalaki pa palang rerespeto sakin?
Pero nagpatuloy pa rin ako sa mga kalokohang pinaggagagawa ko. I met this guy sa bar, nakainuman ko last time. Niyaya nya akong mag check in that night, pumayag ako. And then we did it. Pero hindi ko nabigay yun. Pinagkaka-ingatan ko yun. Almost sex lang.
One time, day off ko nun kaya nag stay na lang muna ako sa dorm. Nagulat ako nang bumungad sya sa may pinto, si Anton.
"Anton?" Napakunot ang noo ko.
"Ginagawa mo dito?"
"Hindi ka ba talaga titigil hangga't walang nangyayari sayong masama?" mukhang galit na galit sya. For what?
"Ha?"
Lumapit sya sa akin at binagsak nya sa may kama, sa tabi ko yung phone.
"Panoorin mo. Kinuhanan ng video yang kagaguhan na ginagawa nyo ng kalampungan mo!"
Pinanood ko yung video. What the fuck! Ako yung babae sa video. Sya yung guy na na-meet ko sa bar last time. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata nya. Hiyang-hiya ako nun, hiyang-hiya kay Anton.
"S-san mo nakuha yan? Kumalat na ba yan?" nanginginig na yung boses ko.
"Tropa ko yang ka-sex mo Kath."
I looked at him. "Hindi ako nakikipagsex! Hindi ko binibigay lahat!" I almost shouted at him.
"Laplapan, himasan, kainan, sex na rin yun Kath kahit sabihin mong hindi nya napasok, ganun na rin yun, natikman ka pa rin nya!"
"San mo nakuha yung video? Kumalat na ba yan?"
Umiling sya. "Phone nya to, nasa gallery lang nya. Inagaw ko agad sa kanya at pinuntahan agad kita dito."
Nakahinga ako ng maluwag. Thanks god.
"So ano? Wala kang balak i-delete yan? May balak ka bang i-upload yan ha?!"
Napakunot-noo sya.
"Bakit ko gagawin yun sayo? Tumigil ka na Kath. Sinisira mo sarili mo. Maganda ka, may maayos kang trabaho. Hindi mo kailangan gawin yung bagay na yan."
"Wala kang alam sakin Anton."
"Alam ko na lahat sayo Kath. Kaya ka lang naman nagkaganyan kase nasaktan ka ng sobra noon at takot kang magmahal ulit. Tama ba? Ha tama ba ko?"
"Oo tama ka! Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko. Buhay ko to. May sarili akong utak, titigil ako kung kailan ko gusto.."
"Titigil ka kapag napahamak ka na. Ganun ba?"
"Wag ka ngang mag-inarte dyan na concern ka kunwari sakin. Wag ako Anton. Ayoko ng magpaloko ulit. Please lang wag ako!"
"Hindi lahat ng lalaki kagaya ng ex mo! Hindi porket niloko ka noon lolokohin ka ulit ngayon. Try mong magtiwala ulit baka sakaling magbago ka."
And then he walks off. Pero bigla syang huminto at may sinabi pa sya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Wag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang may ibang makakita nito. Okay ng ako ang nakapanood kahit masakit."
--------
YOU ARE READING
Since I Found You
RomanceI used to live in this world believing in the saying that "love is unfair", that "wag nang hanapin dahil mawawala din naman." But since I found you, it turns to that "love is magic", that "wag nang hanapin dahil kusa naman palang dumadating.."