IV | Realizations

4 0 0
                                    

Kinabukasan, nahihiya akong pumasok. Nahihiya akong magpakita kay Anton, pakiramdam ko wala na akong mukhang ipapakita sa kanya. Panatag naman akong walang ibang nakapanood nun dahil may tiwala ako kay Anton, alam kong hindi nya ako ipapahamak.

Pag nagkakasalubong kami, lumalayo ako sa kanya, I ignoring him. Imagine, napanood nya yung kalandian ko. Hindi ko talaga ma-take yun. Hiyang- hiya ako sa kanya.

Ilang araw yun. Ilang araw ko syang iniwasan. Nginingitian nya lang ako. Hindi na rin nya ako niyayaya sumabay kumain kapag break time. Pakiramdam ko, iniiwasan na rin nya ako. Friendship over na siguro talaga.

But, a fuck girl is still a fuck girl. Dahil sa wala nang nagbabawal sakin sa mga kagaguhan ko. Ginawa ko na naman.

I met a guy, na lagi kong nakakachat, nakakasama nung mga panahong hindi si Anton ang kasama ko. Nililigawan nya ako. Pero kagaya ng nakasanayan, hindi ko rin naman sya sasagutin. I'm not in love with him.

That night, buong araw kaming magkasama hanggang sa hinatid na nya ako sa dorm. Nag-enjoy ako with him pero hindi ako naging masaya. Doon ko na-realized na iba talaga pag si Anton ang kasama ko. Iba sya sa lahat ng mga lalaking nakasama ko. I miss him so much.

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong isandal sa dingding. Slowly. That guy kissed me so hard. I knew it. Ito naman talaga habol nila sakin eh. Wala na bang bago?

Pinagbigyan ko sya. Ginantihan ko ang mga halik nya. Until I felt his hands into my body.. and in private parts. Bumaba ang halik nya sa leeg ko. Pero ako? Nakatulala lang ako ng deretso. Wala akong maramdaman na kahit ano. Manhid na yata ang katawan ko. Nakakasawa na rin ang ganitong routine. Paulit-ulit na lang. Wala ng bago.

Muli nya akong hinalikan sa labi habang unti-unti nyang hinuhubad ang t-shirt na suot ko. Hanggang sa bigla na lang natumba sa sahig ang lalaking kahalikan ko. Pareho kaming nagulat. Lalo na nang makita ko si Anton sa harapan ko na galit na galit na nakatingin sa manliligaw ko. Nakita kong dumugo ang kaliwang pisngi nito. Umawat na lang ako nang sugudin din nito si Anton at akmang manunutok din si Anton. Yung manliligaw ko ang niyakap ko upang pigilan ito. Pinilit ko syang ilabas sa kwarto at paalisin doon. Nagsorry ako sa kanya at dinahilan ko na lang na kuya ko yun kaya bigla na lang nanuntok. Napaniwala ko naman sya kaya tuluyan na syang umalis doon.
I went back there and then I saw Anton sitting on my bed. He looks so serious.

Nahihiya man ako lalo na naabutan pa nyang nakikipaghalikan na naman ako sa ibang lalaki na naman.

"Bakit ka nandito?"

"Nag-eenjoy ka ba?"

"Ha?"

"Masaya ka ba?"

"Pinagsasasabi mo?"

"Sa pinaggagagawa mo? Masaya ka ba?"

I rolled my eyes. "Wala ka ng pake don."

Tumayo sya. "Bat kase hindi na lang ako?"

What? Bigla akong napatigil nun.

Lumapit pa sya sakin hanggang makasandal ako sa dingding.

"Bat kase hindi na lang ako ang halikan mo? Ako na lang ang landiin mo! Ako na lang Kath! Ako na lang!" he almost shouted at my face.

Then I saw his tears from his eyes. Even I, I was crying. I can't speak.

"Ano! Halikan mo na ko! Gawin mo sakin lahat ng gusto mong gawin! Ano?.. please ako na lang.." tuluyan na syang umiyak at sinandal nya lang ang kanyang noo sa akin.

Hiwakan ko ang magkabila nyang pisngi. Umiling ako. Ewan pero this time, bat hindi ko magawa sa kanya yung mga ginagawa ko sa ibang lalaki. Gusto ko pero ayoko sa ganitong pagkakataon. Ayokong igaya si Anton sa mga lalaking nakasama ko. Ibang-iba si Anton sa kanilang lahat. Ayokong isama sya sa listahan ng mga lalaking nakalandian ko. Wag siya.

Lumayo ako sa kanya. Hindi pa din ako makapagsalita.

Humarap sya sakin. "Bat hindi mo magawa? Kita ko kung pano ka nakipaghalikan sa lalaking yon pero bat sakin hindi mo magawa yun?"

"Anton tama na please.." I was crying.

He shakes his head. "Naiinggit ako sa mga lalaking nakakasama mo, sa mga lalaki na halos angkinin ka na. Hinihiling ko na sana ako na lang sila, na sana sakin mo na lang gawin yung mga yun. Nagseselos ako pag may kasama kang iba. Nandito naman ako eh bakit hindi mo ako makita?.."

Umiling ako. "You don't deserve me Anton. Napakatino mong tao, napakabuti mo pero ako? Hindi. Madumi akong babae. Kilala mo ang totoong pagkatao ko diba? Bakit nilalapitan mo pa rin ako? Bakit ginugusto mo pa rin ako?"

"Dahil Mahal kita. Noon pa. Kahit ganyan ka tatanggapin kita. Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang Kath. Ikaw lang." he was still crying.

And then I realized na hindi pa pala ako nagbabago. That I still living in the world believing that love is unfair, that never get easy to fall in love, that never be serious to the things that wasn't sure enough. I was afraid. Afraid to fall for someone, afraid to get hurt again, afraid for everything. I ingnored Anton. I ignored everything he says. I pushed him away from me. I just hope that I don't regret it someday.

---------

Since I Found YouWhere stories live. Discover now