2 years passed by. 2 years ago since I lived in this world believing in the saying that "life is unfair", that "love is unfair". Sometimes, you need to play and hardly fall in love in order to protect yourself from getting hurt. Kailangan mong mawalan ng pake sa mga bagay-bagay para hindi ka masaktan. Na wag masyadong magseryoso sa mga bagay hindi pa sigurado. Lesson learned from my past.
I changed myself when it comes in love. Lahat ng mga nanligaw sakin, pinaasa at sinaktan ko lang din in the end. Marami akong pinalampas na deserving, na naghintay talaga sakin ng matagal at mukha namang seryoso, pero wala eh, ayokong magtiwala na naman, ayokong tuluyang ma-fall in love, ayoko magseryoso, ayoko nang masaktan.
I changed a lot. I drunk sometimes kapag nagkayayaan, partying with friends and even with strangers, at kapag alam kong gusto ako ng isang guy, I flirt with them, going to the different hotels and almost had sex with them. I said ALMOST. Hindi ko pinapayagang makuha nila ang lahat sakin. Halikan nila ko kung saan-saan, himasin nila lahat ng bahagi ng katawan ko pero hinding-hindi nila makukuha yun. Alam ko namang yun lang ang gustong makuha ng mga lalaki sa mga babae eh, lahat sila hindi ako nirespeto, that's why I protect myself from falling in love again, through playing and not be serious as well.
I graduated from College, as of now focus muna ako sa paghahanap ng trabaho. Nagbago ako pero yung mga pangarap ko for myself and for my family, hindi yun nagbago. For almost 3 months na pag-aapply apply ko sa kung saan-saan, my final destination is here, front desk officer sa isang popular na Italianni's Retaurant. 2 weeks pa lang ako sa trabaho ko. And that guy really caught my attention, everyday kapag nasa resto ako. Lagi nya akong tinitingnan pero kapag lumilingon ako sa kanya, bigla naman syang umiiwas ng tingin. Para bang lagi nyang pinapanood mga galaw ko kaya nakaka-ilang din. Nagtatrabaho din sya doon bilang isang Server.
One time, break time nun, nagkasabay kaming lumabas ng locker room, nagkatinginan, nag-ngitian. Medyo natatawa pa ko nun kasi kita ko sa itsura nya na nahihiya sya. Niyaya nya kong magsabay na daw kami kumain, pumayag ako. We talked. Nagpakilala sa isa't-isa. Nagkwentuhan. Getting to know each other.
"Gusto mo kong makilala?" I asked him.
"Oo naman." he smiled.
"Well, wala kasi akong oras i-describe yung sarili ko sa kahit na kanino eh." I smiled at him.
He laughs a bit. "Edi ako na ang kikilos. Kikilalanin kita."
"Ikaw bahala. Basta hindi ako goodgirl." I laughed.
"Okay lang. Gusto pa rin kitang makilala pa." he smiled.
Naging magkaibigan kami ni Anthony. Ngayon, unti-unti na nyang nakikilala ang tunay na ako. Lagi ko syang sinasama sa mga bar kapag nagkakayaan ng inuman. Palagi akong lasing at wasted kapag natapos na ang inuman, ito namang si Anton, never akong iniwan at sya ang laging nag-babantay at nag-aalaga sakin kapag lasing na lasing na ako. Minsan nga hindi ko na sya sinasama eh kasi nagmumukha syang alalay ko pag kasama ko sya sa inuman pero sya tong mapilit. Gusto daw nya akong bantayan.
One time, break time namin nun..
"Nakipag-inuman ka na naman pala kagabi, hindi mo sinabi sakin." he said.
"Hindi mo naman kailangan malaman lahat ng gagawin ko eh."
"Pero gusto kong malaman, gusto kitang bantayan Kath." I know he was serious this time.
"Para tong tanga. Bantayan? Ano ako bata?"
"Nakikipag-inuman ka kasama ng mga lalaki, minsan pa kahit hindi mo kilala. Pano kung bastusin ka nila? Kaya gusto kong kasama ako kapag nakikipag-inuman ka."
"Kaya ko, okay? Saka hindi ko kailangan ng atensyon mo Anton. Magkaibigan lang tayo. Sana alam mo limitasyon mo."
--------

YOU ARE READING
Since I Found You
RomanceI used to live in this world believing in the saying that "love is unfair", that "wag nang hanapin dahil mawawala din naman." But since I found you, it turns to that "love is magic", that "wag nang hanapin dahil kusa naman palang dumadating.."