F2 ✨

23 1 0
                                    

Incheon Airport

"Flight ICN6759 has safely landed to Incheon International Airport. Again this is Captain Lucas Yoo, flyin' with you. Enjoy and kamsahamnida everyone."

"It's been a while South Korea!" I said to myself, ngumiti ako sa mga nag gagandahang flight stewardess habang tumutungo palabas sa eroplano.

Ito na, makikita ko na si appa. Excited na ako pero kinakabahan na rin, haaay daig ko pa may wedding jitters nito. Tumungo muna ako sa luggage area para kunin ang dalawang naglalakihan kong mga luggage. Pagkuha ko sa aking mga gamit, naglakad na ako palabas ng airport. At di naman ako nagkakamali, dahil nakita ko na si appa kasama ang driver niya.

Dali-dali akong naglakad papunta kay appa na may malaking ngiti sa labi. Nang makita niya ako ay ngumiti rin siya and he spread his arms, nanghihingi ng yakap.

"Appaaaa I've miss you so much!" agad akong umakap sa aking appa. Pinalitan niya rin ang aking yakap ng mahigpit na mahigpit.

"Appa I can't breath" humalakhak naman si appa at pinakawalan ako sa super hug niya. Grr~ ang lamig pala dito, di kinaya ng isang jacket ko lang ang lamig dito.

"Giniginaw ba ang aking wangja?" tanong ni appa habang hinahaplos ang aking buhok.

"Appa talaga bine-baby pa rin ako. 21 na ako appa at isang professional athlete pa!" pagmamalaki ko sa aking ama.

"Aba ang galing naman ng aking prinsesa. Manang-mana ka talaga sa akin aking Kim Ma Ri."

"Syempre naman appa, san pa ba ako magmamana kundi sayo at kay umma lang naman."

"Hahahaha ang kulit mo pa rin aking anak. Hala sige umalis na tayo at baka sipunin ka pa sa lamig dito." Sumakay na kami ni appa sa naghihintay na kotse sa aming tabi. Namiss ko talaga si appa, at medyo tumada na talaga siya. Ilang taon na ba ako di nakakabalik sa South Korea? Siguro mga anim na taon na rin, matagal na pala.

"Ma Ri, suotin mo itong jacket para di ka lamigin. Negative 1 degree celcius pa naman ang temperatura ngayon. Di ba gaanong malamig dun sa States at nakalimutan mong magsuot ng makapal na jacket papunta dito?" tanong ni appa sa akin. Sinuot ko naman ang makapal na jacket na bigay niya, maganda siya simple lang pero comfy.

"Oo appa, fall na kasi dun kaya di masyadong maginaw. At di rin ako nagdala ng makakapal na jacket tanging mga sweaters lang kasi alam ko naman na bibilhan mo ko hihi" lambing ko sa aking appa. Si appa kasi, binibigay lahat kung ano ang gusto ko kaya't medyo spoiled ako jan kesa kay umma.

"Aish itong batang to. Baka nga mas malaki pa yung kinikita mo bilang athleta kesa akin." biro niyang sabi habang pinapanatiling seryoso ang mukha pero natatawa na talaga siya dahil kumikibot na ang kanyang labi sa pagpipigil ng ngiti.

"Appa naman di no. May kita naman ako pero mas malaki sa inyo. Ganito kalaaaaaaki" puna ko sabay drawing ng isang malaking bilog sa ere. Humalakhak na talaga si appa, di na niya napigilan ang mapatawa.

"Aish jinja, anak ba talaga kita" sabi niya at humalakhak na naman.

"The one and only Kim Ma Ri appa" sagot ko at yinakap si appa ng mahigpit.

Namiss ko ang ganitong pagkukulitan namin ni appa. Tama lang talaga ang desisyon kong dito magbakasyon sa pilibg niya. Appa, saranghae.


-------

Please watch The Unit and support UNB and each group na sumali sa The Unit. Love lots!

F E E L I N G ✨ UNB FANFICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon