Kim Jungwoo's.
Kasama ko ngayon si Lucas sa library. Hindi ko nga alam kung anong nakain nito at biglang nagyayang pumunta ng library. 'Kala mo naman mag-aaral.
"Hoy, ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko sa kaniya. "Wala lang. Tambay lang."
"Alis na tayo dito. Andaming may gustong umupo na magbabasa, oh. Dun na lang tayo sa cafeteria tumambay."
"Sige, tara." At ayun nga, pumunta na kami sa cafeteria. Nakita ko naman sila Taeyong hyung at Kayla na nag-uusap.
Hindi naman ako nagseselos kasi wala naman akong dapat ikaselos, 'di ba? At wala rin akong karapatang magselos.
"Sila Kayla ba yun?" tanong ni Lucas sabay turo kina hyung. "Oo, mag-uusap daw sila tungkol sa campaign yata. Tatakbo kasing officer si Taeyong hyung next school year tapos si Kayla yung secretary niya."
"Okay. Bili muna ako ng pagkain dun." sabi niya at tumango muna ako bago siya umalis.
Sinubukan kong hindi tumingin sa gawi nila Taeyong hyung at Kayla pero wala, e. Lagi talagang hinahanap ng mga mata ko si Kayla.
Ang ganda niya talaga.
"Oh, andito ka na pala, Xuxi," sabi ko kay Lucas. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala siya.
"Tulala kasi kay Kayla, tsk." sabi niya at naupo na sa tabi ko. "Ba't ayaw mo sa harap ko?"
"Baka naman kasi nakaharang ako sa view mo." sabi niya sabay irap.
Tinawanan ko lang siya at tumingin ulit kay Kayla. Pero nagulat ako nang makita ko kung anong ginawa ni Taeyong hyung kay Kayla.
Nilapit niya ang mukha niya kay Kayla at... hinalikan niya si Kayla?!
Tumayo ako agad at iniwan na si Xuxi dun. Nagseselos ako, okay?
"Hoy—saan ka pupunta?! Jungwoo! Binilhan pa naman kita ng cheeseburger! Kim Jungwoo!" rinig kong tawag niya pero hindi ko na siya pinansin.
YOU ARE READING
best friend | jungwoo
Fanfiction[limitless series #1] jungwoo tries to face his feelings after a confrontation by his childhood best friend, kayla-best friend nga lang ba talaga? completed.