Kayla Kwon❜s.
"Class dismissed," sabi ng prof namin at tumayo agad ako sa upuan ko. Palabas na sana ako ng makita ko si Lucas na papalapit sa akin. Kaya naman tumalikod agad ako at dumaan na lang sa kabilang pinto.
Pinagsisihan ko iyon. Dapat pala dun na lang ako dumaan sa hinaharangan ni Lucas kanina.
"Kay—" hindi ko na pinatapos pa si Jungwoo. "Dadaan ako. Tumabi ka diyan." sabi ko sa kaniya.
"Kayla, talk to me, please. Let me explain myself." sabi niya at hinawakan ang balikat ko.
"Save your explanation, hindi ko na kailangan yan." Tumabi naman siya sa daan at aalis na sana ako nang bigla siyang lumuhod. Seriously?!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natataranta ako. "H-huy, Jungwoo. Tumayo k-ka nga diyan!" sabi ko sa kaniya at sinubukan siyang hilahin patayo. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito!
"I won't stand up unless you let me explain myself to you." May choice pa ba ako? Nakaluhod na siya sa harap ko at nakayuko pa.
"Fine. I'll let you explain yourself. Dun na tayo sa coffee shop mag-usap. Tumayo ka na diyan." I told him.
Tumayo na siya at nginitian niya ako. Ang saya niya, ha? Hinila niya ako at dumiretso na kami sa coffee shop.
"Spill." I told him.
"Nung time na hindi ako nakasabay sayo sa lunch, hinila ako nun ni Cai sa garden. Napilitan lang ako sumama sa kaniya noon kasi binalaan niya ako na sasaktan ka daw niya 'pag pupuntahan kita. Pero maniwala ka, Kayla, hindi ko ginusto na sumama sa kaniya. Pati nga nung uwian, sinadya ko na dumaan sa palagi nating dinadaanan para masigurado kong safe kang umuwi. Buti nga hindi nahalata ni Cai na ikaw yung sinusundan namin, eh."
"Sorry talaga, Kay—" Again, I cut off what he was about to say.
"Oo na, naniniwala na ako sayo." ngumiti naman ako sa kaniya at dumating na yung inorder naming inumin.
"Tara, bonding tayo. Namiss ko 'to agad, eh."
YOU ARE READING
best friend | jungwoo
Fanfiction[limitless series #1] jungwoo tries to face his feelings after a confrontation by his childhood best friend, kayla-best friend nga lang ba talaga? completed.