May Kahati Pala Ako

25 1 0
                                    

/2011/

Minahal kita ng buong-buo
Wala kang kahati ni maski sino
Minahal mo ako ng totoo
Tugon mo sa mga tanong ko

Pinaniwala na ako'y nag-iisa
Pinaniwalang wala kang iba
Naniwala na ako lang talaga
Naniwalang mahal mo ko at mahal kita

Nagmahal ako ng lubusan
Isa sa aking pinagsisisihan
Masyado sayo akong nagtiwala
Walang alam na ikaw na ay nagsawa

Matagal na pala akong niloloko
At ako naman ang nauto
Akala ko ako lang sa puso mo
Ngunit may kahati na pala ako.
****

Memories (ORIGINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon