CHAPTER 46

720 15 2
                                    

Napangiti nalang ako ng mapait nung mapagtanto ko kung saan ako dinala ng mga paa ko, sa bahay ni Froggy

Simula nung umalis sya, bumalik na ako sa bahay, dinala ko narin dun pati si Mickei,

I miss her so much, yung mga ngiting yun, yung mga tawang yun

Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin ko, kahit itatak ko pa sa kokote ko na wala na sya, hindi nya ako mahal, wala akong halaga sa kanya

Hindi parin nagbabago ang feelings ko, mas naging matibay pa sya, nako naman huhuhu

Pumasok ako sa bahay at inihiga ang sarili ko sa may couch, grabe ang sakit ng ulo ko huhuhu

Nagulat ako nararamdaman kong may tao sa tabi ko kaya binuksan ko ang mga mata ko huwaawww

"Ke-Keith?" Tawag ko pero hindi sya sumasagot, nakatingin lang sya sa akin, malungkot yung mga mata nya

Ngayon alam ko nang nananaginip lang ako, pero kahit ngayon lang kahit sa panaginip ko lang, makayakap ko sya

Hinila ko sya papalapit sa akin at niyakap sya ng sobrang higpit, tuloy tuloy lang sa pag agos ang luha ko, kahit panaginip lang ito parang totoo

"Bakit mo ako iniwan Keith? Pero bakit ganun kahit iniwan mo ako mahal parin kita? Laging ikaw ang nasa isip ko?" Hindi sya sumagot, kahit sa panaginip ganito parin sya

Isa lang ang tanging hiling ko ngayon, ayaw ko nang magising sa panaginip na to, gusto ko na makasama sya, makayakap sya kahit sa panaginip lang,

"Matulog ka na" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan sya

"Ayaw ko, pag gising ko sa panaginip na to wala ka nanaman, ayaw kong matulog, dito ka lang" tumutulo parin ang luha ko, pinunasan nya yun gamit ang palad nya, ngumiti sya sa akin at inihiga ulit ako,

"Just sleep, you have to wake up, hanapin mo ang sarili mo, magsorry ka kay Castillo, pati sa Daddy mo na sobra ng nag aalala sayo, Michael matulog ka na"

Kahit ayaw ko pa naramdaman ko nalang Ang antok, ipinikit ko ang mga mata ko habang iniisip na sana hindi panaginip ito

~~~~

Nagising ako ng parang may kakaiba, ganun parin ang pwesto ko, parang totoo ang panaginip ko

Pero alam kong impossibleng mangyari yun, pumunta ako sa kusina at nagluto ng maalala kong wala na pala akong ipagluluto ng umagahan, hindi ko na rin makikita ang paghikab nya at pagtaas ng kilay pag nalaman nyang nakatingin ako sa kanya, I really miss her

Nag ayos nalang ako at lumabas ng bahay ng may kotseng nakaparada dun, binuksan nya naman ang bintana kaya nakita ko sya

"Sabay na tayong pumasok" pag aaya sa akin ni Gian, tumango nalang ako at sumakay sa kotse nya, kahit hindi nya sabihin alam kong gusto nyang tanungin kung nasaan si Froggy,

"She's gone" tanging sagot ko nalang, napasinghap naman sya at hindi na muling umiimik

~~~~

Pumunta ako sa basketball court kasi alam kong nandun si Ecka, tulad nga ng sinabi ng mystery person kagabi at pati ni Froggy sa panaginip ko kailangan kong humingi ng pasensya sa kanya

"Ecka, sorry na" tumabi ako sa kanya, nakayuko sya sa may tuhod nya na parang bata

"Nakakainis ka! Alam mo ba na hindi lang ikaw ang nakakamiss kay Keith! Ako rin kaya! Mas una ko syang naging close sayo, tapos kung makapagsalita ka naman parang ikaw lang ang nasaktan sa pag alis nya" hinigod ko nalang Ang likod nya kasi alam kong umiiyak sya,

Tama nga sya, kaibigan nya rin si Froggy kaya alam kong nasasaktan din sya, bakit ngayon ko lang ito narealized

"Sorry na, masyado kasi akong nasaktan kaya di ko alam ang pinag gagawa ko at pinag sasabi ko, sorry na Besy" tinignan nya ako ng masama sabay batok sakin

Huhuhu nagaya nya kay Froggy yung pagiging sadista nya

"Sa susunod isipin mo muna ang isang bagay bago ka gumawa ng desisyon. Tignan mo ang sakit kaya ng mga sinabi mo kagabi. Hindi pala isang linggo yun! Nakakainis kang bakla ka!" Napangiti naman ako at niyakap sya hayyy

Mabuti nalang talaga meron akong best friend na tulad nya

"Sorry talaga. Hindi na mauulit pramis, at Teka lang wag mo nga akong tinatawag na bakla, hombre na ako no!" Natawa sya sa sinabi ko at niyakap nya rin ako ng mahigpit pabalik

Napahinto ako ng bigla nalang parang may matigas na bagay na nakatutok sa ulo ko, pati rin si Ecka hindi makagalaw kasi may nakatutok rin sa kanya na baril

"Ipasok sila sa loob ng Van" kahit isang linggo akong hindi pumasok hindi ko parin makakalimutan ang boses nyang makapanindig balahibo at ang kanyang nakakapangilabot na aura

Cyan Carlo Montenegro. Anong kailangan nya sa amin?

AFTER 10 YEARS: First Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon