Chapter 5

1.7K 55 1
                                    

KING OF ICE

RAPHAEL'S POV

"Lahat kayo ay bibigyan ng kanya-kanyang susi para sa inyong matutulogan o dormitoryo. Maaari niyo na ring hanapain ang inyong silid para sa pasukan ngayong lunes. Dahil bago lang kayo ay hahayaan mo na kayong mag suot ng sibilyan sa buong linggo," anunsyo ng babae na may kulay abong buhok at may katandaan na. Lahat ng mga pinagsasasabi niya ay hindi ma-proseso ng utak ko.

Paano kami nakarating rito? Paano kami nakapasok rito? Totoo ba ang lahat ng nakikita ko? O panaginip lang 'to?

Nagsitayuan ang lahat at may nga fairies na lumilipad at may mga dala itong susi. Binigyan isa-isa ngunit wala kaming natanggap. Napatingin ako kay ate na tumayo.

"Aalis tayo rito, Raph. Hindi ito ang mundo natin. Hindi tayo tagarito. Wala tayong kapangyarihan. Hindi nag e-exist ang magic. Panaginip lang 'to!" Sunod-sunod niyang sabi at hinila ako patayo. Kahit naguguluhan ay nag patangay na lang ako rito.

"Excuse me! Excuse me!" Narinig kong may tumawag kaya napahinto ako. Napahinto rin si Ate. Napatingin ako sa likuran ko at nakita na ito 'yung babaeng nagsasalita kanina na may kulay abong buhok.

"Bakit po?" Tanong ko rito.

Ngumiti naman ito at tiningnan si ate. Napatingin naman ako kay ate na nakakunot ang noo at nakipagtitigan lang din sa babae. Napunta naman ang atensyon sa 'kin ng babae kaya nabigla ako. Napalunok pa ako. Nyeta!

"Napansin kong hindi kayo nabigyan ng susi. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong nito.

Grabe naman maka-tagalog. Grabe grabe grabe!

"Raphael po," ani ko. Napatango naman siya at napatingin kay ate. Napabaling rin ako ng tingin kay ate. Nakakunot noo parin ito kaya hinila ko ang kamay ko na hawak parin niya. Napabitaw naman kami.

"Ate! Tinatanong ka," asik ko. Napasulyap naman ito sa 'kin at binalik rin ang tingin sa babae.

"Bakit? Bakit mo tinatanong ang mga pangalan namin? Mga engkanto kayo no?! Siguro ginamitan niyo kami ng magic para mapunta rito at gawing isa sa inyo!" Nakataas ang kilay nito at may pagdududang tingin habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Nagsisimula na naman siyang mag taray. Mahihirapan na naman akong pigilan siya. Mukha yatang dinudugo na naman siya. face palm

"A-ano? Hindi kami engkanto! Hindi engkanto ang tawag sa 'min Au," sagot nito. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tinawag niya kay ate.

Au?

"P-pa'no mo nalaman ang p-palayaw ko?! Engkanto nga kayo no?! Engkanto kayo!" Gulat na sabi niya at napatingin sa 'kin. "Halika na Raph. Masama sila. Engkanto sila!" At hinila-hila ako pero hindi ako nag padala.

Tiningnan ko naman ang hitsura ng babae. Ang sabi-sabi ng matatanda ay matutulis raw ang mga tenga ng mga engkanto. Pero hindi naman. Para lang siyang normal na tao. Yung tenga niya pang tao naman at hindi pang engkanto. Nag o-over acting na naman ang ate!

"Ate! T-teka--"

"Hindi! Sumunod ka kay ate," at hinila-hila ulit ako. Hindi parin ako nag patinag.

Kumpara sa kanya na payat at pandak ay malakas ako at lamang. Matangkad ako, pandak siya. Lalaki ako, babae siya. Malakas ako, malakas naman siya, hindi nga lang panglalake.

"Hindi nga kami engkanto miss. Mga magic user kami. May kakayahan kaming gumamit ng majika," mahinahon na sabat ng babae.

Napatingin naman si ate sa kanya na nakataas ang kilay at kunot ang noo. Binitawan ni ate ang kamay ko at humakbang siya papalapit sa babae.

"Unang-una, hindi ikaw ang kausap ko. Pangalawa, bawal sumabat sa usapan ng iba at pangatlo, engkanto kayo! Huwag mo akong masabihan na mga MAGIC USER kayo! Dahil hindi nag e-exist ang magic! Naiintindihan mo? Kaya ibalik mo na kami sa mundo namin!" Mahabang litanya niya. Napakagat naman ako ng pangibabang labi dahil ang taray talaga niya.

Tiningnan ko naman ang reaksyon ng babae pero hindi man lang ito nag bago. Nakatingin lang ito kay ate na parang wala lang. Parang nakikinig lang ng tugtugin. Grabeee. Kakaiba. Kung ako siguro yun ay tatakbo na ako. Hindi ko matiis ang boses ni ate pag gumyera na.

"Hindi ko sana gagamitin ito sa 'yo Au. Pero kailangan. Na miss kita at kailangan ka ng madala kay master," kalmadong sabi nito.

Nagpalabas ito ng isang maliit na lalagyan ma may kulay kapeng abo. Binuksan niya ito. Parang nag slow mo ang paligid. Ang pag saboy niya kay ate ng abo. Ang pagkabigla sa mukha ni ate.

"Sleep well my friend," sabi nito.

Napahiga naman si ate at nawalan ng malay. Doon lang ako nagising sa nangyari.

"A-anong ginawa mo kay ate?" Biglang tanong ko at nalilito rin. Ngumiti lang ito at tinapik ang balikat ko.

"Pinatulog ko lang. Napaka-maldita niya na ngayon. Dati ay sobrang tahimik niyan at minsan lang mag salita. Tsk. Namiss namin siya Raph. Kaya hihilingin ko lang sana na dito muna kayo pansamantala,"hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.

Bigla ay lumamig ang temperatura ng paligid. Umihip ang hangin. Napatingin ako sa lupa ng lumamig ang tinatapakan ko. Naging yelo. Napabaling naman ako ng tingin sa likod ng sumigaw ang babaeng katabi ko. Masaya ang makikita sa mukha niya.

"JACK!"

The Lost Prince (Book Two) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon