Chapter 21

1.1K 45 3
                                    

Raphael's POV

'Ikaw ang ikalimang prinsipe ng mageia, Raphael.'

'Ikaw ang ikalimang prinsipe ng mageia, Raphael.'

'Ikaw ang ikalimang prinsipe ng mageia, Raphael.'

Nagpaulit-ulit ito sa isip ko at parang umeecho. Dinudumbol ng kaba ang dibdib ko dahil sa huling sinabi ng babae.

Ako ang ikalimang prinsipe ng mageia? Nanay ko si Aurora at hindi ate? Napaka-imposible naman no'n! Nabuhay ako ng labingwalong taon at itinuring ko siyang ate tapos sa isang iglap lang ay malalaman kong ate ko pala siya!

"Imposible 'yang sinasabi mo. Hindi ako prinsipe, hindi ako maharlika at lalong hindi ko nanay ang sarili kong ate! Niloloko mo ako!" sigaw ko rito.

"Alam kong mahirap paniwalaan sa 'yo ngayon ito pero 'yun ang totoo ijo. Iyon ang nakaraan mo, sana tanggapin mo iyon dahil ito na ang magiging kapalaran mo," malumanay na sabi nito. Napaluhod ako. Parang nanghina ako sa nalaman ko ngayon. Ayaw kong maniwala pero 'yun ang totoo, anong magagawa ko?

Naramdaman kong hinawakan nito ang balikat ko. "Sino si Celestine? Sino siya?" taka at wala sa sariling tanong ko. Nakatingin lang ako sa kawalan.

Narinig kong bumuntong hininga ito. Nagbago ang paligid at nasa mataas na bundok kami na kita ang isang buong siyudad. Makikita mong napakalaki ng Academia at pabilog ito na may malalaking harang at may pumuprotekta rito.

"Si Celestine ay isa sa mapagkakatiwalaang tauhan ko. Nakapangasawa siya ng isang mortal at pinili niyang manirahan sa mundo ng mga tao. Nang nagkaroon ng digmaan ay sa kanya ko pinangalagaan ang nanay mong si Aurora," huminto ito sa pagsasalita at tumabi saking umupo. "Matapos ang labanan ay kinuha ako ng aking magulang at ibinalik sa mundo ng mga Diyos at Diyosa dahil sugatan ako at malubha ang aking karamdaman. Kalahati ng kapangyarihan ko ay napunta sa nanay mong si Aurora. Kalahati naman ng kapangyarihan niya ay namana niya sa ama niya. Itinuturing ang iyong ina na pinakamalakas sa buong Mageia at mukhang may mas tataas pa sa kanya..." At lumingon ito sa 'kin. Ngumiti ito, ngiting may pahiwatig.

Napatingin ako sa malayo. Ngayon ay alam ko na ang kwento ni ate? Mama? Nanay? Mom? Ina? Tsk! Masyadong akward naman nun.

Pero kung nanay ko nga si ate? May nakarelasyon na kaya si ate? Tapos nagpakasal sila then viola! Nabuo kaming lima, ano kami Fiveplets? Imposibleee! Nakaya niyang ipanganak kami? Hahaha napakaimposible talaga nun.

"Paano naman po ipinanganak kaming lima? Sabay-sabay?" Natawa naman ito.

"Syempre hindi. Hindi kayo iniluwal, nagmula kayo sa itlog. Pero hindi literal na itlog. Hmm... Parang isang kristal na hugis bilog. Ganun," kibit balikat na sagot nito.

"Itlog na parang kristal? Ano kami, ibon? Hahaha," natatawang tanong ko.

"Parang ganun pero wala nga lang kayong mga pakpak," at tumawa ito ng mahina. Napabuntong hininga naman ako.

Napapaisip ako kung paano ako napunta sa mundo ng mga mortal. May kumuha kaya sa 'kin? Kumidnap?

"Eh paano ako napunta sa mundo ng mga mortal? Paano ako napadpad sa bahay ni nanay Cell?" at tumingin ako rito. Tiningnan ako nito. Bumuntong hininga saka umiling-iling ito.

"Yan ang hindi ko alam, ijo," dismayang sabi nito. Napatungo naman ako. Ganito na ba talaga ang buhay ko? Puno ng katanungan? Puno ng misteryo? Aish.

Pagod na akong tuklasin ang mga misteryo at mga katanungan sa buhay ko.

The Lost Prince (Book Two) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon