Chapter 17

1.4K 44 0
                                    

Raphael's POV

Isang napakataas na tore ang pinagdalhan sa amin. Inilibot ko ang paningin ko.

May mga halaman na mayayabong at gumagalaw ito na para bang binigyan ng buhay.

"Sumama ka sa 'kin binata," napalingon naman ako kay ate. Ako pala ang tinutukoy nitong binata.

"Sumunod ka sa prinsesa," mahinang bulong sa 'kin ni Prinsipe Dren. Tumango naman ako.

Sumunod naman ako kay ate. Nasa likuran niya lang ako habang tinatahak namin ang kahabaan ng pasilyo. Pumasok ito sa isang kwarto kaya sumunod rin ako.

Bumungad sa 'kin ang malawak na silid at walang gamit. Para itong training hall.

"Kamusta ka na, Raphael?" napalingon ako ng magsalita ito. Humarap ito sa akin na iba na ang kulay ng mata. Ang buhok niya ay unti-unting nagiging kulay kalawakan.

"P-pa'nong?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Paano niya nagawa 'yun? Bakit hindi niya 'ko tinatawag na bunso?

"It's my power, dear," nakangising sagot nito. Napatigil naman ako sa pag-iisip at napatitig sa kanya ng sabihin niya iyon.

Kapangyarihan niya? May kapangyarihan siya? Pa'no?

"Hindi na importante kung paano ako nagkaroon ng kapangyarihan," bigla naman itong nawala sa harapan ko. Para siyang bampira na ang bilis ng galaw. "Hindi mo ba itatanong kung bakit kita dinala rito?" napatayo naman ako ng tuwid ng nandidito na siya sa likod ko.

Paano niya nagawa 'yun?

"Tatahimik ka na lang ba?!" napalingon naman ako ng sumigaw ito.

"A-ate," utal na usal ko.

"Huwag mo akong tatawaging ate! Simula ngayon ay hindi na kita kapatid. Hindi na kita ituturing na kapatid at 'wag mo na rin akong ituring na ate, naiintindihan mo?" Para naman akong sinampal sa sinabi niya. Parang pinana ako ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

'Hindi na kita ituturing na kapatid at 'wag mo na rin akong ituring na ate, naiintindihan mo?'

Napatingin naman ako sa kanya. Blangkong mata itong nakatingin sa 'kin. Habang ako naman ay pilit pinipigilan ang luha ko.

"Nababaliw k-ka na ba? M-may dalaw ka na naman s-siguro no? H-haha," birong pilit ko pero nabubulol parin. "Siguradong magagalit si nanay at kukurutin 'yang singit mo--,"

"Hindi mo siya nanay. Hindi natin siya nanay," blangkong sagot nito at parang wala lang sa kanya ang mga pinagsasasabi niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo--,"

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon Raph. Marami ka pang mga bagay na malalaman pero hindi pa ngayon," sambit nito.

Napayukom naman ako. Parang ang lahat ng sa paligid ko ay nakabalot sa misteryo. Kailangan ko pang halungkatin para lang malaman ko.

Hindi ba pwedeng sabihin na lang nila para malaman ko 'yung katotohanan agad-agad?

"Bakit tinatakwil mo ako bilang kapatid mo?"

"Dahil hindi kita kapatid"

"Hindi sapat na dahilan 'yun para maniwa ako. Isang buwan lang kitang hindi nakita tapos sasabihin mong 'wag na kitang ituring na kapatid?" usal ko at pinipigilan ang luha na nais kumawala sa mga mata ko.

"Hindi kita pinipilit na paniwalaan ako basta't ang lahat ng sinasabi ko ay tama at may katotohanan." seryosong usal nito. Iginalaw nito ang kamay at parang may iginuguhit sa hangin. "Ibabalik na muna kita sa dati mong anyo pero mananatili parin sa 'yo ang kapangyarihan mo."

"Pwede pa naman kitang makausap di ba, ate?" tanong ko. Tiningnan ako nito na may blangkong tingin at ang kaninang iginuhit nito sa hangin ay unti-unting nakikita.

"Os mitéra," sagot nito pero hindi ko maintindihan dahil parang isang latin o griyego ang ginamit niya.

"Anong ibig sabihin no'n?" nalilitong tanong ko pero hindi ito sumagot. Umupo ito at hinawakan ang lapag na siyang kinatatayuan niya.

May lumabas na liwanag at papalapit 'yun sa 'kin.

Narrator's POV

Nang nasa paanan na niya ito ay isang malakas na pwersa ang humila sa kanya at napaupo siya dahil dito.

"Tiisin mo ang sakit, ngayon lang ito at sa susunod kailangan ay kusa ang katawan mo na ang magbabago-bago ng iyong anyo." usal ni Aurora.

Nakikita niya ang sakit rito. Napapayukom pa ito ng kamay.

"Aaaaaaaaahh!!!," sigaw ni Raphael at isang malaking apoy ang pumalibot rito. Para itong isang ipo-ipo na pumalibot sa buong katawan niya.

May mga lumabas na kuryente at parang nakikisama ang apoy sa sakit at hapdi ng nararamdaman ni Raphael.

Ang mga mata nitong kulay ginto ay unti-unting bumabalik sa dati. Ang mahaba't kulay dilaw nitong buhok ay bumalik sa pagiging itim at hanggang balikat na lamang. Sumisigaw parin ito.

"Malakas ka nga talaga," ngising usal ni Aurora at pinagmasdan ang unti-unting pagbabalik sa dati nito.

Bumalik sa pagiging itim ang mga nakaukit na palatandaan dito. At ang suot nito ay parang unti-unting nalalagas.

"Sana naman ay hindi na kasing sakit no'ng una kong ginawa 'to." at saka dahan-dahan niyang binuksan ang palad niya.

"Come to me," pagkabigkas niya ng mga salita na iyon ay umilaw ang mga palad niya. Ang apoy na pumapalibot kay Raphael ay hinigop ng kamay nito.

Napakagat labi naman si Aurora dahil may kaunting hapdi ang nararamdaman niya. Bigla namang nawalan ng malay si Raphael at bumalik na ito sa dati nitong anyo.

Nang matapos niya itong higopin gamit ang palad niya ay napaupo siya. Hinihingal at nanginginig ang kamay. Para siyang nanghihina sa ginawa niya.

"Sana matanggap mo 'yung katotohanan 'pag nalaman mo. Huwag mo sana akong kamuhian..." at tumingin ito kay Raphael bago napangiti ng mapait "... Anak."

The Lost Prince (Book Two) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon