Kabanata 2

82 3 0
                                    

Kabanata 2.
Si Ms.Tumalon.

Ang Hda.Nabillera ay may isang paaralan na nakatayo sa kalagitnaan ng bayan ang Pegasus Academy,Mayroon itong mababang antas at meron din namang secondaryang antas ng edukasyon.

Sa pegasus academy ako pumapasok,Maswerte ang paaralang ito dahil dito nag-aaral ang dyosang katulad ko.

"Juana!Wag kang uuwi ng hindi ako kasama ah!Hintayin mo ako!."

Tatango-tango naman ako kay gab, tuwing umaga ay sabay kaming pumapasok siya lang naman ang kaibigan ko sa hda. Eh,kikiligin na sana ako kung hindi lang nakikisabay din saamin ang supladang si Mira,ito talaga ang pinakakinaiinisan kong tao sa buong earth eh.

"Ako rin Gab ah!Hintayin mo rin ako ah Kagaya ng paghihintay ko sayo buong buhay ko." Tudo kapit pa siya sa braso ni gab habang sinasabi yun,pafeel ka rin eh nuh..

Akala niya siguro kinaganda niya yang pagkapit-kapit niya sa braso ni Gab,duh mukha ka paring lola kahit anong gawin mo.

"Ah sige,Una na ako ah!,Juana mauuna na ako ah." Tumango lang ako at tumakbo naman siya palayo,akala ko kung saan siya pupunta kay padirang maria pala, hay naku hindi na si Mira ang kinaiinisan ko,si Maria na..

"Huwag mo nga akong titigan! Nakakabawas sa ganda ko ang pagtitig mo!." Reklamo ko kay mira ng mahuli ko siyang nakatitig sakin.

"Duh!Dati ng bawas ang kagandahan mo kaya huwag kang feeling diyan."

"Alam mo mira,nakakasagabal ka sa kagandahan ko kaya shupe ka diyan!Hindi magandang tingnan sa isang dyosang kagaya ko na kinakausap ang mukhang lolang tulad mo!." Nagroll eyes ako at sabay flip hair,Magsasalita pa sana siya mabuti nalang at tinakpan ko yung bibig niya. "Huwag ka ng kumuntra Mira supladita,kahit anong gawin mo,mas maganda at mas sexy parin ako sa'yo!."

"Hi Juana." Bigla namang sumulpot sa harap namin si Chris kaya nagwalk out nalang ako,nakakadiri talaga ang mukha ng lalaking yun,bakit kasi ako pa ang naisipan nung ligawan?.

Hindi deserve ng isang dyosang tulad ko ang lalaking kasing panget ni Mira suplada na mukhang lola,Ew.

Habang naglalakad ako papunta sa first class namin ay nakita ko pa si Gab na nakikipagtawanan kina Maria,dati rati naman ako ang kasama niya pero anong nangyari?Simula ng magpabida yang babaitang maria nayan ay nawala na ang oras ni Gab saakin.

Napatingin si Gab sa gawi ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko at naglakad na lang papunta sa first class namin,kaklase ko si Gab,Katabi ko pa nga eh pero anong silbi nuon kung hindi naman ako ang gusto niyang katabi?

Pumasok ako sa klase ni Ms.Tumalon ang Science teacher namin,agad naman siyang napatalon dahil nakakita siya ng dyosa sa harap niya walang iba kundi AKO!..

wala namang ibang dyosa dito sa Pegasus eh ako at ako lang!.

"Oh Ms.Alcantara mabuti naman at maaga ka ngayon." Nginitian ko lang si Ms.Tumalon sabay flip hair atsaka umupo sa silya ko.

Pero kahit papaano ay maswerte parin ako dahil nakatabi ko si Gab,si mira nga halos lagi-laging pinapangarap na makatabi niya ang machong katabi ko,Oo mga friends!,kaklase ko nga yung panget na yun pati ang pabidang si Maria kaklase ko rin at hindi naman mawawala ang kalerkeng si Chris.

"Goodmorning Class!." Paunang bati ni Ms.Tumalon,napatalon naman kami dahil sa gulat,ang lakas ng boses ng teacher namin nato ah parang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas,tsk. "Our topic for today is about Wind Ward Sides and Lee Ward sides. Bago ako magsimula,may itatanong lang ako baka sakaling may alam na kayo sa lesson na'to."

Tatango-tango naman kami sakanya,pero sa loob-loob ko nagpepray na ako na sana huwag lang ang Dyosang tulad ko ang matawag. "MS.ALCANTARA!." ilang ulit ako napalunok bago tumayo,pasimple pang tumatawa itong katabi ko akala naman niya kinagwapo niya yang pagtawa niya,binatukan ko nga ng matauhan.

Juana Maldita (Hda.Nabillera Series)Where stories live. Discover now