Kabanata 6

62 1 1
                                    

Kabanata 6.
Tigyawat sa ilong.

K I N A B U K A S A N

Kinabukasan hindi ako pumasok, kinailangan ko kasi munang magbeauty rest kahit isang araw lang,Ang totoo niyan tinubuan ako ng pimple sa may tuktok ng ilong ko.

Nakakahiya sa isang dyosang katulad ko namutubuan ng pimples at sa ilong ko pa talaga,Ano ba naman bro?Dimples ang hinihingi ko hindi Pimples.

Minsan talaga kung ano pa ang hindi natin ginustong manyari ang nangyayari tsk. Katulad ngayon,gusto kong makita si Gab pero nasaan siya?nasa pegasus at kasama si Maria,habang ako nasa bahay at pinoproblema ang ilong ko na tinubuan ng pimples.

"Ano ka ba naman?Sa dinami-dami ng babaeng pwede mong tubuan bakit ako pa ang napili mo?Ang dyosa kong mukha na todo alaga tinubuan mo lang ng tigyawat ka?." Kausap ko pa sa pimples ko habang nakaharap ako sa salamin.

Ano kayang ginagawa ni Gab ngayon?Iniisip rin kaya niya ako? Yiiee kinikilig ako sa tuwing naiisip ko na ako ang lamang ng isip niya,landi.

"Ikaw tigyawat ka!Bilis-bilisan mo ang pag-alis diyan sa ilong ko ah?Sagabal ka pa sa lovelife ko eh!."

K I N A B U K A S A N

Kinabukasan maaga akong nagising at humarap sa salamat at anak ng tigyawat naman ito oh,hindi parin umaalis sa ilong ko.

"Nakakainis ka na!Baka ikaw ang tirisin ko diyan at hindi si Maria!."

"Ate?Sino kausap mo?." Napatalon pa ako ng biglang magsalita si Ejay,nakabihis na siya at nakahanda na sa pagpasok.

"Ito!Itong tigyawat ko!."

"Kaya hindi umaalis eh,akala niya yata kinakaibigan mo siya ahaha!." Hinampas ko siya ng unan pero bigla siyang humilag at nagsumbong kay nanay.

"Isa ka pang pandak ka!."

K I N A B U K A S A N

Maaga ulit ako nagising hindi pa nagtitilaok ang manok nagising na ako,Akala ko pa naman nakalayas na ang pimples ko sa ilong ko,Huhu Andiyan parin!.

"Bakit ganuon?Sinabon ko naman?AYAW KUMINIS!!." Nagwalling pa ako sa pader ng kwarto ko para siguradong pak na pak ang acting ko.

Ako yata ang next Kathryn Bernardo na manggagaling sa Hda.Nabillera,mukha pa lang pak na pak na!.

"Huhu bakit ba?Bakit ba hindi ka pa umaalis ah?Akala mo namang kinaganda mo yang pamamalagi mo sa ilong ko!." Dinuro-duro ko pa ang pimples ko habang sinasabi ko yun.

Sinong nagbigay ng permisso sayo para tumira diyan sa tuktok ng ilong ko?.

"Juana!Magwalis ka sa tapat ng bahay!." Heto naman si Nanay oh, sinabi ng ayaw kong umalis ng bahay kasi makikita ng mga kapitbahay tung tigyawat sa ilong ko eh.

"Ayoko nay!si Ejay nalang!." Walang pasok ngayon kasi sabado,Pero hindi parin ako lalabas dahil sa tigyawat sa ilong na ito,nakakainis na ah!.

Ang dyosang tulad ko ay tinubuan ng tigyawat at sa ilong ko pa talaga!.

"Tigil tigilan mo nga ako sa kamalditahan mo,Juana!."

"Heto nga po oh,magwawalis na po!."

Nagwalis ako sa tapat ng bahay namin nakita ko pa si Gabriel na nakikipag-usap kay maria,tudo tawa pa ang gago,nakita ko rin si Mira na nakatingin din sa gawi nila at katulad ko ay nakakunot nuo din,nagkatinginan kaming dalawa at sabay din kaming umirap.

"Akala naman niya kinaganda niya ang pag-irap saakin."

Tinapos ko na ang pagwawalis ko at agad na pumasok ng bahay,baka mamaya makita pa ako ni gabriel at makita niya pa itong tigyawat ko.

Juana Maldita (Hda.Nabillera Series)Where stories live. Discover now