Kabanata 3

47 1 0
                                    

Kabanata 3.
Ang Mayaman na si Ken.

Akala ko pupunta kami sa may guidance office pero iba ang daan na tinahak naman,mabuti naman kapag nagkataon lagot ako kay nanay kapag nalaman niya na pinapunta na naman ako sa guidance,Sumbungera pa naman yung si Mira.

Napahinto siya ng makarating kami sa Rofftop,kinuha niya yung gitara na nakapatong sa may benj at umupo duon,tinap niya yung gilid niya kaya naman umupo rin ako.

"Ano bang kailangan mo saakin?." Napatingin siya saakin nung magsalita ako,Nagtama ang paningin namin at siya na mismo ang umiwas at napangiti,ang gwapo niya talaga labas pa dimple niya kapag ngumiti siya.

"Alam mo galing ako sa ibang school kasu nagtransfer ako dito dahil gusto ng dad ko." At ano namang pake ng ganda ko?Charot!. "At wala pa akong kakilala kaya nung sinabi ni Ms.Tumalon na nanggugulo ka na naman sa klase niya ay agad akong nagpresinta para ipakilala ka niya saakin." Iba talaga kapag maganda ano?Ang ganda ko talaga.

"Bakit mo ba ako gustong makilala?." Inilagay ko pa yung ibang buhok sa gilid ng tenga ko sabay tingin sakanya pero sa gitara siya nakatingin,Pak!Dedma ang ganda mo,Juana!.

"Parehas kasi tayo eh,Lagi din ako nanggugulo sa mga teacher ko hihihi." Akala ko naman kung ano,Hindi naman ako nanggugulo eh,kasalanan yun ni Ms.Tumalon kasi ako ang pinasagot niya duon sa tanong niya,pero tama naman yung sagot ko ah?Ano ba dapat?

"Marunong kang kumanta?." Nakangiting tanong niya saakin, Hay naku hindi mo ako makukuha sa pangiti-ngiti mo nayan ah!Pero sige na nga! Para sa dimple mo.

"Oo naman!Kung hindi mo naitatanong eh nanalo ako sa kantahan sa hda.Nabillera kaso 5 years na ang nakakalipas ng mangyari yun." Tumawa siya pero mahina lang babatukan ko pa sana siya pero mabuti nalang at napigilan ko yung kamay ko, naku talaga nasasanay na ako sa pambabatok kay Gab.

Yung machong yun!tingnan lang natin kung may kasabayan siya pauwi mamaya,akala niya ah. Ako na kaibigan niya hindi niya kinampihan tapos si Maria na pabida pa yung kinampihan niya,nakakasakit ng damdamin.

"Pwede parinig?." Napataas biglaan ang kilay ko sa sinabi niya hindi niya ba narinig na 5 years ng nakakalipas yung pagsali ko sa kantahan na siyempre ako naman talaga ang nanalo,pero hindi ako sure kung kagaya parin ng dati ang boses ko. "Sige na!nahiya ka pa!Kapag nagandahan ako sa boses mo,Isasali kita sa banda ko."

"Wala namang mukha ang boses ko kaya talagang hindi ka magagandahan,Atsaka anong banda?Ayoko nga!."

"Inaayawan mo ba ako?Ako na Sobrang Guwapo,Hinahangaan ng kababaihan at Sobrang yaman ay inaayawan mo?."

"Maswerte ka nga at inayawan kita!Abah magdiwang ka kasi inayawan ka ng Dyosang si Juana!."

"Ang hangin mo rin eh nuh?."

"Kung ang hangin ko,Ang ipo-ipo mo naman,sino nagsabi sayong sobrang guwapo ka?."

"Ikaw!Iyang mga mata mo,sinasabi na sobrang guwapo ko!." Tinakpan ko nga yung mata ko,sobrang hangin naman nitong lalaking ito tsk. "Sino naman ba ang nagsabi sa'yo na maganda ka?."

"Yan!Kakasabi mo lang na maganda ako eh,pero correction hindi ako maganda,Dyosa ako,DYOSA!."

"OO! Dyosa sa kahanginan!."

"At anong gusto mong sabihin ko na ikaw ang Dyos ng kahanginan? Ayaw kitang ka-love team nuh!Sobrang Ganda ko para sa'yo,kaya sorry ka nalang. Soree." Ginaya ko ulit kung paano magsorry si Steffy Chaun.

Idol ko talaga ang babaeng yun eh,sobrang GANDA!Like me.

"Akala mo ba gusto kitang ka-LoveTeam?Isang malaking HINDI!." Nanlalaki pa yung butas ng ilong niya habang sinisigawan ako,Ew!Akala naman niya kinagwapo niya yung pagsigaw-sigaw niya sa akin.

Juana Maldita (Hda.Nabillera Series)Where stories live. Discover now