Ikadalawa

15 3 0
                                    

"Bakit?"

Lagi tayong masaya.

Di ka nakakalimot na kausapin ako.

Lagi mong tinatanong kung kumain na ba ako.

Kung kamusta ako.

Hindi namamalayan ang oras dahil magkausap tayo.

Palagi kang nagiiwan ng ngiti sa aking mga labi.

Pero dati yun.....

Isang araw bigla nagbago bigla.

Bakit? Bakit parang napagod ka?

May nagawa ba ako?

Bakit? Bakit lumayo ka?

Bakit kinalimutan mo ako?

Sabi nila siguro raw kasi nakahanap ka na. Nahanap mo na yung babaeng gusto mo.

Napaisip ako. Ano nga ba ako para sayo? Kausap? Palipasan ng oras? Nakakatawa. Sa ikli ng panahong nakausap kita nahulog na'ko. Nasanay ako na lagi kang nandyan. Minahal na kita.

Sa mga oras na'to gusto ko lang malaman kung bakit? Bakit mo'ko kinalimutan?

One Who Can't Be MovedWhere stories live. Discover now