May mga tao talagang pinagpala at binigyan ni Lord bilang maging isang magaling na leader, katulad ni Ashley Ramirez. Hindi lang magaling na leader si Ashley, matalino rin siya kung kaya't gusto siyang kagrupo ng mga kaklase niya kapag may groupings sa loob ng klase.
"Diba class napag-usapan natin na magkakaroon tayo ng laro ngayon at ang mananalo ay magkakaroon ng plus points sa exam. Kaya ready na ba kayo?" tanong ng guro nila.
"Yes Ms." sagot ng buong klase at nagpunta na sila sa kani-kanilang grupo. Makikita mong tuwang tuwa ang mga kagrupo ni Ashley dahil kagrupo nila ito.
"Okay 'ah? Charades ang lalaruin natin ngayon. Galingan natin kung gusto niyo ng plus points sa exam pero wag kayong mapressure dahil kung di nasagutan ayos lang basta ienjoy niyo 'to" ito rin ang magandang ugali ni Ashley na mabait sa mga kagrupo, hindi niya pinepressure ang mga kagrupo niya kahit na may inaalagaan siyang grado. Kung kaya't nageenjoy ang mga nagiging kagrupo niya.
"Ganito gagawin natin 'ah? Kapag English ganito" at ginawang pa letter e ni Ashley ang kanyang kamay. "Kapag tagalog naman ganito" at nag-act siya ng hugis T sa kamay niya. "Para malaman ng mga manghuhula kung ilang syllables, ganito gagawin natin" ang ginawa ni Ashley ay parang hinihiwa niya ang braso niya. "Pwede din kayong magturo ng soundslike baka kasi dun makuha natin ang sagot. May gusto pa ba kayong isuggest?" Yan ang isang magandang katangian pa ni Ashley marunong din siyang humingi ng other advices or suggestions ng mga kagrupo niya. Umiling ang kanyang mga kagrupo dahil sa tingin naman nila nasabi na ni Ashley ang gusto nilang sabihin. "Alam niyo naman ang charades diba? Kaya alam kong kaya natin yan. Enjoy lang 'ah? Okay lang na hindi natin makuha yung plus points pero mas maganda kung makukuha natin" at tumawa si Ashley na ikinatawa na rin ng iba niyang mga kagrupo.
Nagsimula ng maglaro, pangatlong grupo sila at sila rin ang huling grupo na maglalaro. Nakikita nila na parang nahihirapan ang ibang grupo kahit na easy pa 'to kaya naman
"Huy, bakit parang ang hirap? Isa pa lang nasasagot nila sa Easy round" sabi ng isang kagrupo ni Ashley.
Natawa si Ashley sa sinabi ng kaklase niya dahil mukhang kinakabahan ito. "Kumalma ka nga, kaya natin yan. Saka sabi ko enjoy wag kang mapressure dyan" sabi ni Ashley. Makalipas ang ilang minuto natapos na ang una at ikalawang grupo kung kaya't sila naman ang maglalaro. Uumpisahan nila sa easy round.
"You have 1 minute para mailaro ang easy round and your timer starts now" sabi ng kanilang guro kung kaya't bumunot na ang isa nilang kagrupo at ginawa niya ang letrang e sa kanyang kamay
"English" sigaw ng mga kagrupo niya. Nagacting siya na parang hiniwa niya ng isa ang kanyang braso.
"One syllable" sigaw muli ng mga kagrupo niya. Nagacting siya na hawak ang kili kili niya habang taas baba ang kanyang mga braso na parang may pakpak siya at nagsasalita siya na parang gumagawa ng huni pero walang tunog at binend niya ang kanyang mga legs.
"Ano ka manok?" biro ng kagrupo nila na ikinatawa ng ibang grupo at tinuro turo ng nagaacting ang nagsabi ng ano ka manok.
"Manok" inulit ng kagrupo niya pero umiling iling lang ang nagaacting at ginawa ulit ang letrang e sa kamay niya.
"CHICKEN!" sabay sabay na sabi ng kagrupo except sa kagrupo nilang nagsabi ng manok. Sumunod naman na bumunot ay si Ashley at nagacting siya ng letrang e sa kamay niya.
"ENGLISH!" sabay na sabi ng kagrupo niya. Nagacting siya ng isang hiwa sa kanyang braso.
"One syllable" sabi ng kanyang mga kagrupo at umacting siya na parang nakaupo habang turo turo ang inuupuan niya pero wala naman talaga.
BINABASA MO ANG
Young, Dumb and Broke
De Todo♫ Yeah, we're just young dumb and broke, but we still got love to give ♫ Sa istoryang ito malalaman mo ang iba't ibang klase ng highschool kids. Sigurado akong magkakaroon kayo ng ugnayan sa istoryang ito, o baka makita niyo ang sarili niyo sa mga t...