Charles Castro

14 0 0
                                    

Hindi mabubuo ang isang klase kung walang matalino. Karamihan sa loob ng klase ang mga babae ang matatalino. Ooops, pasintabi sa mga lalaking readers. hahahahaha. Pero! sa chapter na ito makikita natin na ang mga lalaki ay matatalino rin. 

"The highest score in our exam got a 95/100 and that is Mr. Castro" sabi ng guro nila at napahinga ng malalim si Charles dahil narinig niya ULIT ang kanyang pangalan na nakakuha ng pinakamataas na grado sa kanilang exam. Matalino talaga si Charles, hindi pwedeng mapapabayaan niya ang kanyang pag-aaral dahil panigurado lagot siya sa mga magulang niya. Kaya kahit gustong gusto niya ng magpachill chill katulad ng iba niyang mga kaklaseng lalaki ay hindi niya magawa dahil nga may dapat siyang alagaan na grado. 

"Uy Charles, grabe ka naman sa exam natin sa English, 95/100. Masyado mo namang ginalingan." Sabi ng kaibigan niya. Hindi naman porket nerdy type siya ay wala na siyang kaibigan. Hindi na yata uso ngayon ang nerd ka tapos nilalayuan ka ng ibang tao o binubully ka.

"Kailangan e. hahahahaha" sagot ni Charles. 

💜💜💜

"Who is the Father of modern chemistry?" ang buong klase ay nanahimik dahil hindi nila alam ang sagot ngunit may isang mag-aaral na nakataas ang kamay at ito ay si Charles. 

"Yes Mr. Castro?" tawag sa kanya ng kanilang guro. 

"Antoine Lavoisier" sagot ni Charles na may kaunting arte pa sa kanyang pagsasalita. 

"O---" hindi natapos ng guro ang kanyag sinabi dahil biglang sumingit si Charles.

"Antoine Lavoisier is not only known as the Father of modern chemistry. He is also known as French nobleman prominent in the histories of chemistry and biology. He was born on August 26, 1743 and died on May 8, 1794 I'm not sure about the date but I think I am right. He is also the first ---" hindi din natapos ang kanyang sinabi dahil sumingit na ang guro. 

"Okay Mr. Castro, that's enough. You shared many thoughts about Antoine Lavoisier, baka wala na kong maidiscuss, but that's very good. Mukhang kilalang kilala mo si Antoine Lavoisier 'ha" sumingit na ang guro sa kanyang pagsasalita dahil alam ng mga guro na marami pang sasabihin si Charles kung hindi nila ito iinterrupt, at ang kanyang mga kaklase ay napamangha na naman dahil sobrang daming alam talaga nito ni Charles. Tunay ngang matalino ang batang ito. 

"Lahat naman Ms. kilala niyan e." at tumawa ang buong klase.

 💜💜💜

"Charles, pakopya naman ako ng assignment sa Math" sabi ng pinakatamad na kaklase ni Charles.

"Ha? hindi pa ko tapos e" sagot niya kahit na tapos na siya. 

"We? ikaw? di pa tapos? di ako naniniwala" sagot ng kaklase niyang tamad.

"Hindi pa nga ko tapos, gusto mo turuan na lang kita kung paano sagutan" sagot ni Charles sa kanya. 

"Wag na, di na lang" cold na sagot ng kaklase ni Charles. Hindi na lang niya pinansin. Hindi talaga siya nagpapakopya sa mga kaklase niya ayaw niya kasing masanay ang mga ito gusto niya na matuto ang mga kaklase niya dahil alam niyang may talino ito tamad nga lang.

"Charles, paturo naman ako. Hindi ko kasi alam kung tama yung sagot ko" at pinatingin ng kaklase ni Charles sa kanya ang sagot nito. 

"Hmn, tama ang ginawa mo dito sa unahan" at turo ni Charles sa unahang banda ng sagot ng kanyang kaklase. "Pero dito isubstitute mo ito dito..." at tuloy tuloy na paliwanag ni Charles sa kanyang kaklase. 

"Uy Charles salamat 'ah? may natutunan ako. Minsan nga mas naiintindihan ko yung turo mo sakin kaysa sa teacher natin e" at sabay na natawa sila. 

"Ikaw talaga, sumbong kita dun e" panakot pero may halong joke na sabi ni Charles.

"Uy charot lang" sagot ng kaklase niya at tumawa ulit sila. Ayan, ayan ang mas gusto ni Charles, mas gusto niyang magtanong ka kung tama ba ang ginawa mo o kung paano mo iyon ginawa hindi yung basta basta ka na lang kokopya dahil alam niyang pinaghirapan niya ito sagutan kaya dapat lahat sila ay patas, basta siya handa siyang tumulong sa mga kaklase niya. Kung hindi naman Math ang subject nila at may assignment sila hindi pa rin ito nagbibigay ng sagot sasabihin niya sayo kung sa libro o sa notes o sinabi ng teacher nila ang sagot sa tanong na iyon. Magalit ka na sa kanya pero wala siyang pakialam dahil kahit kailan hindi siya nangopya basta maging masipag ka lang at may tiwala ka sa sarili mo na kaya mo. 

 💜💜💜

"Our Top 1 is..." announce ng guro nila pero may mga side comments na ang mga kaklase ni Charles.

"CHARLES!"

"Charles yan syempre" 

"Wala na yang iba, mageexpect pa ba tayo ng iba?" 

"Quiet Class" patahimik sa kanila ng kanilang guro at sinunod ito. "Our Top 1 is..." ulit na sabi ng guro. "Mr. Castro" at pumalakpak ang buong klase. "Congratulations" bati sa kanya ng guro at kinamayan siya nito. 

"Wow Charles, wala ka talagang kupas" sabi ng isa niyang kaibigan.

"Uy, salamat 'ha?" sagot ni Charles dito. 

"You deserve it naman e, nakita namin paghihirap mo" sabi ng isa niyang kaklase.

"Ang swerte ng mommy and daddy mo sayo Charles kasi yung iba nating boys dito sa classroom, mga walang pake sa grades nila saka mga hindi nagpapasa ng requirements. E ikaw, 95 and general average." sabi ng isa niyang kaibigan.

"Sana nga matuwa sina mommy and daddy baka sabihin nila sakin 95 lang?" lungkot na sabi ni Charles.

"Ang nega mo, kung ako mommy mo or daddy mo magiging proud ako sayo kaya wag ka na dyan malungkot kami ngang kaibigan mo proud sayo e sila pa kaya? kaya dapat maging proud ka din sa sarili mo pinaghirapan mo yan e, saka pinagdadasal mo yan diba? oh ayan nandyan ka na ngayon kaya dapat magsaya ka" mahabang sagot ng kanyang kaklase. 

"Tama ka." Pagsang-ayon ni Charles sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Paano ba yan? Edi lilibre mo kami ng lunch" at tumawa silang magkakaibigan.

💜💜💜 

Walang nilikha si God na bobo, mahina ang utak, walang utak o ano pa man yan. Lahat tayo ay may kanya kanyang talinong taglay. Halimbawa na lamang na, magaling ka sa English pero mahina ka sa Math, o di kaya magaling ka naman sa Math pero mahina ka sa English ngunit may tao talaga na pinagpala sa lahat, yung magaling sa lahat katulad na lang ni Charles. Pero kung may tiwala ka sa sarili mo na kaya mong maging magaling kung saan ka mahina magagawa mong abutin ito lalo na kung nagsusumikap ka na mag-aral sa subject kung saan ka mahina. Minsan kasi tamad ka lang pero matalino ka naman, hindi mo masyadong ginagamit ang utak mo kaya hindi siya gumagana sa oras na kailangan mo. Aanhin mo ang matalino kung tamad ka naman mas mabuti pang masipag ka na, matalino ka pa.  

Matuto ka ring makuntento kung hanggang saan ka lang kung alam mong hindi ka ganun katalino, yung sakto lang, yung sapat lang maging masaya ka at least diba? pinapagana mo ang utak mo. Kung nappressure ka naman dahil sa mga magulang mo try to have a connection with them. Try to talk with them na "ma, pa, hanggang dito lang ako e. sorry 'ha? di ko maabot expectation niyo pero ginagawa ko po ang best ko" nako! siguradong matutusok ang puso ng inyong mga magulang. Huwag kasi kayong mahihiyang magsabi sa kanila ng mga hinanaing niyo para sa ganun lumuwag ang dinadala niyong bigat sa dibdib niyo. 

Remember, Stay Hydrated Fam ✨  

Young, Dumb and BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon