*SUGAT*Masayahin akong tao...
Yan ay alam niyo...
Pero sa bawat pagngiti at pagtawa ko nakatago ang isang masakit at malalim na sugatang puso na hindi naghilom kahit na lumipas na ang matagal panahon na wala siya sa tabi ko...
Sugat na iniwan ng taong minahal ko ng buong-buo pero anyare? Sa bandang huli iniwan parin ako...
Iniwan at iniwanan ng sugat na kahit anong gamot ay hindi ito mahihilom, kasi sa bawat paghapdi ay siya parin ang nasa puso ko
Sugat na siya lang ang makakapagpagaling nito
Sugat na naghihilom na pero sa bawat sandali na siya ay maalala ay mas nasusugatan pa
Mga alaala na masasaya na nasayang niya, na pagdaan ng mga taon ay nakakasakit na
Nakakasakit sa paraan na pinapatay kana
Nakakasakit sa paraang dinudurog ng paulit ulit ang puso mong nagmamahal sa kanya
Nakakasakit sa paraang nasugatan ka ng malalim pa sa pagmamahal niya
Minahal ka nga pero iniwan ka ng tarantadong katulad niya dahil nakahanap na siya ng iba
Paano na ang sugat na yan?
Maghahanap ba ng panlunas sa sakit na iniwan niya?
O
Habambuhay nalang bang magpapanggap na masaya ka kasama ng mga taong totoong mahal na mahal ka?
~JaQue3ny23