*AKALA*
Ang pagibig daw nagsisimula sa mata
Kaya pala unang kita palang sayo ako ay napaibig mo
At ang mas nakapagpasaya sakin ay ang biglang paglapit mo
Tayo'y naging magkaibigan, nagkwekwentuhan at nagaasaran pero ako ay nahulog na sayo ng di mo namamalayan
Maraming nakapagsabi na tayo'y bagay raw, ako'y umasa, na sana, balang araw mahalin mo rin ako aking sinisinta
Isang araw tayo'y naglalakad ng ika'y nagtapat na ako ay iyong mahal at ika'y sakin ang nararapat
Ako'y naging masaya at tinanggap ang iyong pag-ibig na akala ko'y tapat
Dahil pagkaraan ng isang linggo ako'y iniwan mo
Dahil ang pagiibigan pala natin ay di totoo
Nilapitan mo lang pala ako dahil sa mga bagay na napagkasunduan niyo ng barkada mo
Akala ko pagibig mo'y totoo eh pero ako'y isang malaking TANGA dahil umasa ako sa isang tulad mong GAGO
Binilog mo lang pala ako sa mga bagay na gawa gawa mo, para ako'y pakiligin pero sa bandang huli ay sinaktan din
Akala ko ika'y totoo pero ang katotohanan pala ay ako lang ang nagmahal sa relasyong tinanggap ko
Ano ba ang ginawa ko para saktan mo ako ng ganito, inibig lang naman kita ah pero bat winasak mo ang munting puso kong nagmamahal sayo
Madami akong inakalang totoo sa bagay na ginawa mo sakin na pinaniwalaan ko
Umaasa ako na sana kahit katiting na pagmamahal ay nadama mo nung panahong kasama mo ako
Akala ko ikaw na talaga pero tayo'y pinagtagpo lang pala at di tinadhana ng magpaglarong tadhana na di nakakatuwa ang mga larong ginagawa
Kaya paalam sayo at sa mga akalang na nagwasak ng puso ko
~JaQue3ny_23
